C4

1693 Words
Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang naka prison uniform na nakahiga habang nilalaro ang baseball bat na nasa kamay niya, mukhang pinapalo niya ang bakal na baseball bat sa bakal ng gate na kulungan niya, do'n siguro nanggagaling ang ingay na naririnig ko, maliit ang kwarto niya sa loob at may maliit na higaan. Walang nagbago. Hindi man lang siya namayat o wala parin siyang sugat, napatingin siya sa'kin at binitawan ang bat niya, mukhang mali ang expectation ko, akala ko ba naman bubugbugin siya 'diba gano'n mga nasa cine,"You're here, policewoman." rinig kong sambit nito at umupo siya sa maliit niyang kama habang nakatingin sa'kin, aba parang alam niya talagang dadating ako ah, nakasara ang kulungan niya kaya wala akong dapat ikabahala, nakakatakot siya gr. "A-ah." ba't ba kinakabahan ako at hindi makagalaw sa tuwing nagkakatinginan kami, ano bang nangyayari sa'kin? may kapangyarihan ba siya? huhu nanginginig ang tuhod ko. "A-ako isa sa bantay mo kaya maging behave ka." saad ko at napaisip naman ako sa sinabi ko, wait ba't parang inuutusan ko bata, "And why would the criminal listen to you?" tanong nito kaya agad kong tinaas ang dala kong paper bag. Napaisip nga rin ako kung ba't niya ako susundin para lang sa pagkain, Kexiah umayos kanga. "Kasi kakain tayo pag nag behave ka." nakangiti kong saad, maganda narin na kahit papaano ay makitungo ako ng ganito sa taong malapit na madedo, kahit pogi ka wala talagang pinipili ang batas kaya pasensiya na. "Aren't you afraid of eating with me?" tanong nito kaya agad naman akong napaisip, "Hm" pag-iisip ko habang ang pinipisil ang baba ko, "Syempre nasa loob ka naman kaya ba't ako matatako-" 'di ko natapos ang sasabihin ko nang tumayo ito at binuksan ang gate. WAHHHHHHHHHH WAHHHHHHHHHHHHHHH Nasa labas siya at hindi nakaposas ang kamay niya, walang police sa paligid at- at- P-paano niya nagawang lumabas! WAHHHHHHHHH Dalawa lang kami- Katapusan ko na ba? Nasa harap ko siya, as in malapit, "What if I'm out of that cage, you'll be scared?" malamig nitong sambit tulad nung unang araw na ginawa niya sa'kin ito sa court, nagbigay ito ng nakakakilabot na pakiramdam at tumaas ang balahibo ko. Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi ko magalaw ang mga paa ko, nanlalamig ba ako? hindi ako makagalaw. Paano kung- Paano kung patayin niya ako? "Eat with me." malamig nitong saad at hinawakan ang kamay ko, hila hila ako paalis ng lugar na'yon kaya nadala ako, hindi ko alam ang reaksyon ko pero natatakot ako, umalis kami sa lugar na'yon at naglalakad parin siya. Hindi ako makapaniwalang nasa labas siya at ngayon- Hawak niya ang kamay ko. Hawak niya ang kamay ko habang ang isa kong kamay ay hawak ang dalawang paper bag na iyon, pumasok kami sa isang room na may magandang sala at malawak, puting mesa, upuan, chandlier at luxuries, 'yon agad ang napansin ko ngunit masikip ang dibdib ko. Ngayon lang ulit ako natakot ng sobra, naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, humarap siya at nagulat sa nakita niya. "Why are you crying? do you want to die? stop that and eat with me." utos nito ngunit mas umiyak pa ako, nakikita kong nagpapanic siyang binitawan ang kamay ko, "Sorry okay? don't cry, I won't hurt you. I promise." malambing nitong saad habang nakatingin sa mga mata ko. Huminto ako sa pag-iyak na parang bata ngunit hindi parin ako makapagsalita, kumunot ang noo niya na agad kong ikinagulat, "Damn, let's eat." uminit na ang ulo niya at kinuha ang hawak kong paper bag, "You said we would eat together and now you're crying?" Tinaas nito ang kaniyang kilay na tila naiinis ang reaksiyon, "Stop being dramatic." habol pa nito habang nilalabas ang pagkain. Hindi ko alam kung bakit ako umabot sa ganito ngunit, nawawala na ang takot ko, napansin ko ang sarili kong nakatitig lang sa kaniya at ngayon ko lang napansin ang bandage na tela, nakapulupot ito sa balat ng kamay niya. Hindi ko ito napansin dati, nakaupo kami ngayon sa dining table at hindi ko alam na may ganitong kagandang lugar pala ang Jail, sana sa jail nalang pala akong tumira kung ganito lang din kaganda. Ano bang gagawin ko, hinahanda niya na ang pagkain sa table at nakatingin parin ako sa kaniya, "Are you scanning me with your eyes?" Hindi ito nakatingin sa'kin kaya paano niya nalamang tinitignan ko siya? Assuming rin siya minsan ha! "You're not done recognizing me huh," ngisi nito at tumingin sa'kin nang tapos na niyang ayusin ang pagkain sa table, "Let's eat, stare at me later, I will let you." saad nito kaya agad naman akong umalis ng tingin, kapal! "Hm why are you so quiet kid? are you afraid of me?" tanong nito habang binubuksan ang baunan. "H-hindi ako bata." maikli kong sambit, "Why are you still refusing, you're 24 years old and it's a age of childish kid." nangaasar ba'tong baliw na 'to, "By the way, what do you call in this what you cooked? this one with the ugly look." nainis naman ako sa sinabi niya ngunit ayokong sumagot baka bigla akong patayin. "Talk" malamig nitong saad habang nakatingin sa'kin kaya agad akong nagsalita, "Adobo 'yan ta's chicken 'di kaba familiar ha? famous kaya ang adobo sa Pilipinas 'saka 'yan oh yung brown leche flan 'yan ta's fruit salad yung isa, dapat familiar ka kasi masarap 'yan saka hindi naman pangit itsura eh, tikman mo kaya baka mahimatay ka sa sarap ng lasa, ako kaya may gawa niyan kaya natural lang na masarap." agad kong tinakpan ang bibig ko nang namalayan kong pinagsasalitaan ko na siya huhu, sige kaya mo 'yan Kexiah, mas mauuna kapang hatulan kesa sa lalaking nasa harap mo. "Talkative childish." ngisi nito at kumain na, kumain nalang din ako ng luto ko dahil gutom narin ako, ang takot ko kanina ay napalitan naman ng panatag na pakiramdam o sadyang gutom lang talaga ako. Che ang daldal rin kaya niya! "A-ano, masarap?" mahina kong tanong nang nakita kong ngumuya siya, may part sa'kin na kaya ko siyang kausapin at may parte naman na hindi, siguro dahil sa takot ko na kumakain nga ang isang police kasabay ang isang criminal. "Ofcourse" napangiti naman ako sa sinabi niya- "Not" sunod pa nito na ikina-kunot ng noo ko, "This adobo is salty then this one too, this one, it's too sweet too much sugar." aba and demanding naman niya siya na ngalang hinahatiran eh, "Do you want to kill me with this amount of sugar? it's too sweet, too salty, too bitter-" 'di ko pinatapos ang sasabihin niya at titikman ang nasa baunan na nasa harap niya, "Wala naman akong nilutong bitter ah." sambit ko, kukuha na sana ako ng pagkain na nasa baunan niya gamit ang kutsara ko nang tapikin niya ang kamay ko. "It's my food don't touch it, you have yours." seryosong sambit nito, ang arte niya naman, "Titikman ko lang naman kung may mapait diyan-" 'di ko natapos ang sasabihin ko nang tignan niya ako, agad naman akong nabalik sa katinuan na isa siyang criminal. "S-sorry, can I go out now?" tanong ko kaya agad naman siyang umalis ng tingin, "Who said you can still get out?" kinilabutan naman ako sa sinabi niya na nagpabilis ng t***k ng puso ko, "N-nangako ka." sambit ko at tumingin ulit siya sa'kin. Nakatingin siy sa'kin kaya nakakailang. "That damn promise, I just said I wouldn't hurt you and that's all I promised but I'm criminal so why should I keep my promise?" pagrereklamo nito at tumayo, nakaupo parin ako sa table at napangiti. "The hell are you smiling at?" tanong nito nang nakita niya akong ngumiti, "Hindi bagay sa'yo arte mo, kanina ko pa nakikitang nahihirapan kang tignan ako." natatawa kong saad at nagtaas naman siya ng kilay, "Alis na ko ha, bye bye." kalmado kong sambit at tumayo na, nagsimula na akong maglakad. Hays sana gumana, gawin mo na lahat Kexiah mukhang balak kang patayin ng ugok na'yan. "Okey" nagulat naman ako sa sinabi niya dahil ang buong akala ko ay pipigilan niya ako, "Don't plan to sue, Kexiah Lores I have your family. Honey." nakakataas ng balahibo ang malalim niyang boses, naramdaman kong lumalapit ang yapak niya. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya, malapit na ako sa door. Nakatalikod ako at nakatayo lang ng tuwid, hindi ko alam pero wala na akong ibang paraan para makataas kun'di baguhin ang mood at umalis nalang bigla, alam kong parang baliw ang plan ko pero baliw naman siya ih kaso mukhang hindi nagwork. Sa bawat yapak niya ay palapit ito sa'kin, malapit nalang sa'kin ang pinto palabas pero hindi ko alam kung bakit pa ako tumigil, naghahanap ba ako ng kamatayan ko? huhu "Flecipo Lores." banggit nito sa pangalan ng ama ko na mas ikinagulat ko, sa bawat yapak niya ay may sinasabi siya. "Victoria Lores." my Mom. "Liriel Lores." ang kapatid ko. Malapit na ang yapak niya sa'kin, "Taguig City, Metro Manila, Luna 3012, barangay 210 condo, 302 room in losieth condo." At sa huling yapak na narinig ko, "From now on... you're my Honey, good to hear right?" naramdaman ko ang paghinga niya mula sa likod. Binulong niya ito sa tainga ko, "You can go out now, just don't forget I warned you, I promised I wouldn't hurt you and I'll keep it but... we didn't talk I wouldn't going to lay my finger in your family, right?" mahaba nitong paliwanag at naglakad papunta sa pinto. "Honey," nakangiti nitong sambit habang nakaturo ang kamay niya sa labas ng pinto na nasa harap ko lang, pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko na siya binalak pang tignan pero nararamdaman kong nakatingin siya sa'kin. Huminga ako nang malalim at nilampasan ko siya, nakalabas na ako ng pinto, "Mamamatay kana nga lang 'di kapa gagawa ng mabuti ha." mahina kong bulong, "I heard that, honey." kinabahan naman ako bigla kaya minadali ko na ang paglalakad ko nang nalampasan ko na siya baka habulin niya pa ako ng bat. "See you again." rinig ko pang habol niya ngunit 'di na ako lumingon at naglakad lang ako sa hallway, as if magkikita pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD