GLANCING at the displayed calendar for the tenth time, Yvette sighed again. Nakakailang buntonghininga na yata si Yvette mula pa kaninang umaga. Kasalukuyang nasa loob ng opisina ngayon si Yvette, hinihintay ang pagdating ni Nickolai. Napansin kasi nito na matamlay si Yvette kaya naman kusa na itong nagsuggest na mag-take out na lang ng pagkain para sa dinner nilang dalawa. Fortunately, kahit napansin na ni Nickolai ang pagtamlay ni Yvette ay hindi pa naman ito nagtanong sa kanya. Dahil hindi rin alam ni Yvette kung paano niya sasagutin ang lalaki kapag nagkataon. Three days already passed by, mula noong eksena sa opisina ni Yvette at ni Nickolai. At tatlong araw na rin ang lumipas mula nang mawalan ng sigla si Yvette. Matapos kasi ng mga nalaman niya kay Avyana ay bigla na lang nagpaa

