MULING napatingin si Yvette sa loob ng condo na pansamantala niyang bagong tirahan sa loob ng ilang buwan. Pero hinihiling niya na sana ay hindi siya magtagal at umabot pa ng isang buwan ang pamamalagi niya sa Pilipinas. Pero hindi niya muna binigyang pansin ang bagay na ’yun, dahil kahit papaano ay gusto niya rin namang muling masilayan ang bansang kinalakihan. Hindi niya maipagkakaila na namiss niya ring puntahan ang mga lugar na madalas niyang puntahan noon, ang mga kaibigan na hindi niya na alam kung kilala pa ba siya o hindi. And of course, that feeling when you felt, I’m home, na kahit pa nga ilang taon siyang nawala ay pakiramdam niya pa rin, narito sa Pinas ang bahay niya. “Haist, what am I thinking? I have no place here. Nasa California ang bahay ko. Kung nasaan ang anak ko, na

