Ilang minuto na lang at tapos na ang shift niya pero ramdam na ramdam na ni Allison ang malapit ng bumagsak niyang mga talukap. She was tired and all she wanted to do was lie on her bed and sleep. "Bye Ally!" Paalam ng kasamahan niya at nauna nang umalis. "Bye," she lazily packed her things up tapos gumayak na rin. Hihikab-hikab pa siya pagkalabas ng restaurant. She could hardly open her eyes pero kailangan niyang labanan ang antok para makauwi siya nang ligtas. Dumaan muna siya sa isang convenient store at bumili ng kape. A cup of hot coffee might as well help her stay awake. Naghihintay na siya ng jeep when a familiar car pulled over in front of her. "Allison." Ally's heart must have skipped a beat kasi para siyang hindi huminga nang two seconds at the sight of a gorgeous Ethan M

