Kabanata 3

1012 Words
May mga pag-ibig na hindi kailanman ipinagsigawan- hindi dahil kulang, kundi dahil may mas marami kang kailangang protektahan. Gabi na nang tuluyang umalis si Tatay. Naiwan ang bahay na magulo, ang hangin mabigat, at kaming magkakapatid ay magkakayakap sa isang sulok. Si Nanay ay tahimik lang-nakaupo sa gilid ng kama, tila nauubusan na ng lakas kahit wala naman siyang sinasabi. "Ayos lang kayo?" mahinang tanong ko sa mga kapatid ko. Tumango si Charmaine. Si Charlie ay pilit maging matapang. Si Cherry naman ay mahigpit na nakayakap sa braso ko, parang natatakot na mawala ako kapag binitawan niya. "Matulog na kayo," sabi ko. "Nandito lang ako." Nang tuluyan na silang makatulog, saka ko lang naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Umupo ako sa labas ng bahay, sa lumang bangkô na matagal nang saksi sa lahat ng luha at problema sa aming pamilya. Doon ko siya nakita. Si Daniel. Nakatayo siya sa di kalayuan, tila nag-aalinlangan kung lalapit ba o hindi. May hawak siyang payong kahit wala nang ulan. "Daniel?" gulat kong tawag. Lumapit siya nang dahan-dahan. "Narinig ko... may gulo raw dito kanina." Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Pero sa itsura niya, alam kong nag-alala siya sa akin. "Okay lang kami," sagot ko. Isang kasinungalingang sanay na sanay na ko ng sabihin kaninoman. Tumingin siya sa mukha ko. Hindi siya nagtanong. Hindi rin niya ako pinilit magsalita. Umupo lang siya sa tabi ko, sapat ang distansya para hindi ako mailang-pero sapat din para maramdaman kong hindi ako nag-iisa. At sa mga oras na iyon, medyo gumaan aking pakiramdam. "Hindi ka okay," mahinahon niyang sabi. "Pero ayos lang kung ayaw mong ikwento." Napayuko ako. Doon ko naramdaman ang pagod-yung pagod na matagal mo nang binubuhat, pero ngayon lang bumigay. Napagulgol ako ng iyak. Mismong harapan niya. "Hindi pwede," mahina kong sagot. "Hindi ko pwedeng ikwento." "Hindi ko hinihingi," sagot niya. "Nandito lang ako." At sa simpleng linyang iyon, may anong bagay nawala para bang pinagpagaan niya ang kalooban ko. Tahimik kaming magkatabi. Paminsan-minsan, may dumadaang hangin. Paminsan-minsan, may dumadaang takot sa isip ko-takot na baka may makakita, baka may makarinig, baka may masira. "Sam," tawag niya. "Hmm?" "Hindi kita kailanman pipilitin," sabi niya. "Pero gusto kong malaman mo-wala kang ginagawang mali sa pagnanais na maging masaya." Napapikit ako. Dahil iyon mismo ang ipinagbabawal ko sa sarili ko-ang maging masaya. "May pamilya ako," sabi ko, halos pabulong. "May mga kapatid akong umaasa. May nanay na matagal nang nagdurusa. At may ama na-" "Hindi mo kailangang ipagtanggol ang sarili mo," putol niya. "Alam ko." Tumango ako. "Kaya hindi pwede. Hindi pwede kahit gusto ko." dagdag na sabi ko. Hindi na siya sumagot. Ngumiti lang siya-ngiting may halong lungkot, pero puno ng pag-unawa. "Bakit hinayaan mong saktan kayo?" Derestsahang tanong sa kaniya ni Deniel. At nakita ko may galit sa mga mata niya. Hindi ko alam alam kung saan siya galit. Humugot ako ng malalim na hininga. Bago nagsalita. "Hindi ko rin maitindihan. Basta alam ko kahit anong sakit at truma binigay niya sa amin. Siya parin ang aming ama. "Pero---?" sinusukat ang sasabihin kung nakakabuti ba o hindi ang lumalabas sa bibig niya. "Pasensiya... Malalim ng gabi. Mabuti pa pumasok kana sa loob bahay. Baka magkasakit ka pa dito. Medyo malalim na rin dito sa labas. " sabi niya sa akin. "Oo. At ikaw rin. Umuwi na... mag-iingat." Tumango lang ito sa kaniya. "Kaya ko sarili ko... huwag kang mag-aalala." Tipid na sabi niya. Gwapo at moreno si Deniel. Bumagay sa kaniya ang gupit pahati sa gitna. bagsak na bagsak ang buhok niya. Ang mga labi niya ay mapulapula na tila, hindi naninigerelyo. Makinis din ang balat niya. Kinabukasan, bumalik ako sa pagtitinda na parang walang nangyari. Ngunit sa loob ko, may binhing itinanim-isang damdaming pilit kong tinatabunan ng responsibilidad. Madalas ko pa rin siyang makita. Minsan saglit lang ang usapan. Minsan tango at ngiti. Minsan tahimik na sabay kaming naglalakad pauwi. Walang pangako. Walang pag-amin. Isang hapon, nadatnan ko si Nanay na nakatitig sa kawalan. "May iniisip ka ba, Nay?" tanong ko. Ngumiti siya nang mahina. "Ikaw." Napakunot ang noo ko. "Ako?" "Matagal ka nang hindi ngumiti," sabi niya. "Ngayon... minsan, nakikita ko." Napatigil ako. "Nay-" "Huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot o anoman dahilan mo. Pilitin mo maging masaya, anak..." Sabi ni Nanay sa akin. Magmula ng maglasing at walang trabaho si Tatay at gabi gabi kaming sinasaktan. Nilagyan ko ng barrier ang aking sarili. Naluha ako. Dahil kahit hindi niya alam ang buong kwento, ramdam niya. "Natatakot lang ako," amin ko. "Saan ka natakot?" tanong niya, "kung tuluyan kang magpalamon sa takot. Para mo na rin pinarusahan iyong sarili. Umiyak ako sa mga bisig ni Nanay. Binuhos ko lahat ng mga hinanakit ko nasa loob ko. At hinayaan niya ako sa ganong ayos. Naramdaman kong ang paghimas niya sa aking likod. Bagay na nagpagaan sa aking kalooban. "Ssh... patawad, anak... kung isa ako sa mga dahilan. Pero anak... balikbaliktarin man ang mundo ama mo pa rin siya." "Hindi ko kayo sinisisi, Inay... pero kung pwide palang pumili ng maging magulang sana ginawa ko na. Tama kayo... hindi ko dapat kinulong aking sarili sa takot." Sa gabing iyon, muli kong nakita si Daniel. Ngunit sa pagkakataong ito, may kasamang takot-dahil sa di kalayuan, nakita ko ang aninong pamilyar. Si Tatay. Nakatayo siya sa kanto, nakatitig sa amin. Humigpit ang hawak ko sa bag. Umatras ako ng bahagya. "Daniel," mahina kong sabi. "Umalis ka na." Tumingin siya sa direksyong tinitingnan ko. Naintindihan niya agad. "Sige," sabi niya. "Mag-ingat ka." Wala nang dagdag na salita. Walang tanong. Walang reklamo. Habang papasok ako ng bahay, ramdam ko ang titig ng ama ko sa likod ko-parang babala. Sa gabing iyon, umiyak ako sa katahimikan. Dahil mahal ko na siya-pero hindi ko siya pwedeng piliin. Hindi dahil hindi ko gusto, kundi dahil may mga pag-ibig na kailangang manatiling lihim para may manatiling buo. At sa dilim ng aking kwarto, isang pangako ang tahimik kong binitiwan- Kung darating ang araw na pipili ako, pipiliin ko ang pag-ibig na hindi nananakit. Kahit pa mangahulugan iyon ng paghihintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD