Move

1675 Words
Ara's Point Of View "Ano ba!" Lumayo ako kay Raphael ng humarang siya sa daan ko. "H'wag kang sumunod," "Bakit ba? Bakit mo ba 'ko kanina pa pinipigilan?" "Sumunod ka nalang," Hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay Ethan na nakakunot ang noo sa akin. "What?!" "Baliw na ba 'yong kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago binaling ang paningin niya kay Raphael. "Sundan na natin,"suhestyon nito sa kaibigan na agad namang sumang-ayon si Raphael. Napakamot ako ng ulo at susunod na sana ako ng muling pigilan ako ni Raphael. Nilingon niya ako ng may seryosong tingin,"mas magandang sumama ka kina Cedric." "Ano bang pinagsasabi mo? Pupuntahan ko ang kaibigan ko." Giit ko sa kanya bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. bumuntonghininga muna siya,"h'wag ka nalang makulit." Katwiran niya para mainis ako sa kanya. Mahihimigan kase sa boses niya na parang may tinatago siya sa akin. "Sabihin mo nga sa akin ang katutuhanan,may ginawa bang kalukuhan ang kaibigan mo sa kaibigan ko?" Bahagya naman siyang umubo para ikakunot ng noo ko. Bakit ba siya masyadong pakialamero? Nangungusisang tinitigan ko siya para obserbahan ang kilos niya pero wala naman akong dahilan dahil 'di ko naman nakikita sa mga mata niya ang kasagotan na nais kong makuha. Ano kayang dahilan niya? "Miracle! What happened to you?!" Lumingon ako sa hulihan ng makita ko si Cedric na nakaluhod sa lupa. Magsasalita na nasa ako ng makita ko ang dalawang lalaki na naunang lumapit kay Cedric. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Raphael ng makalapit ako sa kanila. Mababakas sa mukha niya ang pag-a-alala habang nakatingin kay Miracle. Bakit ganiyan siya mag-alala? Nakakunot ang noo ko na tumabi kay Cedric para tingnan ang kalagayan ng kaibigan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nawalan lang siya ng malay. Binalingan ko ng tingin si Cedric na nakatingin kay Miracle. "Ano ba ang nangyari?" Tiningan niya lang ako at umiling siya, "hindi ko alam. Nakita ko nalang na tumatakbo siya papunta sa akin, nang makalapit na siya sa akin, doon lang siya nawalan ng malay." Napatango naman ako sa sinabi niya bago binaling ang paningin sa prenteng lalaki na naglalakad papunta sa aming lima, napansin ko naman ang biglaan na paglitaw ni Daisy sa harapan ni Green. Hindi ko inaasahan ng marinig ko nalang ang malakas na sampal. "How dare you! Bakit mo 'yon ginawa?" Makikita sa mga mata ni Daisy ang galit sa kaharap niya. Anong sinasabi niya? Mabilis ang bawat hakbang ni Cedric at ng tingnan ko kung sino ang bumuhat kay Ara, bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Ethan. Mukhang 'di niya nagustuhan ang ginawa ni Cedric sa kanya. "Ako na," nilingon ko si Raphael ng siya ang lumapit kay Cedric at kinuha si Miracle. Naibalik ko ang paningin kina Green at Daisy. Marahang pinunasan ni Daisy ang luha niya para magtaka na ako ng husto. "Hindi ba dapat ay maging masaya ka?" Ngumisi ito kay Daisy para mabigla ako. Bakit gano'n, bakit ganito ang bawat kilos ng isa sa amin matapos na mawala si Elisha? Lahat sila ay nag-iiba, Malapit na rin ba ako? "Ano bang pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na ba? Bakit kailangan na ipakita mo pa kay Miracle ang nakita nating dalawa." "What are you talking about Daisy?" Singit ni Cedric ng makalapit siya sa dalawa. "C-cedric," bakas sa boses ni Daisy ang pangamba. "Tell him, natatakot ka na ata ngayon." "Shut up Green!" Nagkibit-balikat ang lalaki at lumayo sa dalawa. "Mas maganda na ikaw mismo ang magsabi sa kanya ng nakita mo,"tumalikod ito at lumapit sa amin. "Kukunin ko siya," turo niya sa kaibigan ko na na kay Raphael. "Sana tama ang ginagawa mo," ibibigay na sana ni Raphael si Miracle ng humarang ako. "H'wag mong ibigay sa lalaking 'to ang kaibigan ko." "Can you please, umalis ka sa harapan ni Raphael." Namaywangan naman ako sa harapan niya. "Sino ka ba para utusan ako? Sino ka ba para pumayag ako na gunin mo ang kaibigan ko?" Bumuntong-hininga naman siya, sinulyapan niya muna ang kaibigan ko bago ibaling niya ang paningin kay Raphael. "Kailangan kitang makausap." Nakaramdam naman ako ng kaba ng tingnan niya ako bago siya umalis sa harapan ko. Sinubaybayan ko nalang siya ng tingin hanggang sa magsalita si Raphael para ibalik ko ang paningin sa kanila. "Ano bang nangyari Daisy?" Tanong ni Raphael sa kalalapit na babae sa amin. "May bumabagabag ba sayo para 'di mo sabihin sa amin?" Puna ni Cedric na sinaayonan ko naman. "Hindi mo kailangan na isarili Daisy, nandito kami." Nakatitig lang siya sa amin, bago siya umiling at halatang napilitan na ngumiti. Napagtanto ko lang na may kakaiba sa kanya, Nilapitan niya si Raphael bago niya hinaplos ang ulo ng kaibigan kong si Miracle. Ang dalangin ko sana ay walang may mangyaring masama sa kaibigan ko dahil sa pagkakatitig mo sa kanya Daisy, "Nagulat lang siya sa nakita niya kaya nawalansiya ng malay," tiningan niya ako at ngumiti. "H'wag ka na mag-alala sa kanya dahil gigising din siya." Napatango nalang ako sa kanya kahit na naguguluhan ako. "Sana, gumising na siya, pinag-aalala niya kasi ako masyado." Sabi ko nalang habang nakatingin kay Miracle. ༒︎ Bumungad sa akin ang nagtatanong na tingin ni Miracle ng magising na siya. Mula pa ng magising siya ay 'di ako nagsalita dahil sa maraming katanongan sa isipan ko. Agad kong nabaling ang tingin sa kung saan ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Bakas sa boses niya ang sinseridad ng lapitan niya ako. Dapat na ba akong magtanong sa kanya? Nag-simula na akong magsalita para tanongin siya. "Hindi na ako magaatubiling tanongin sayo 'to, anong dahilan bakit ka nawalan ng malay?" Napalunok naman ako sa dire-diretsong sinabi ko. "Ha? Hindi ba niya sinabi sa inyo?" Kumunot ang noo niya sa tanong sa akin para ikataka ko naman. "Anong ibig mong sabihin?" Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa maramdaman ko na may tao sa likod ko. "I need to talk you,"lumingon ako sa likod at seryosong mukha ni Ethan ang nakita ko. Ang pangit naman ng pasok niya, napakamot kong binalik ang paningin kay Miracle pero nagulat naman ako ng nasa akin ang paningin niya. Hindi niya ba tiningan si Ethan? Doon niya lang tiningan si Ethan ng ibalik ko ang paningin sa kanya. "Wala ba kayong balak na sabihin sa iba?" Aniya na may seryosong tingin sa kausap. T-tungkol ba 'yon sa nangyari sa kanya? "Si Daisy, alam niya na." Si Daisy? Anong alam na ni Daisy na 'di ko alam? Saka ko nalang na-realize ng maalala ko ang nangyari kina Green at Daisy kanina. May koneksyon ba do'n 'yon ngayon? Pinoproseso ng utak ko ang mga tanong na hindi naman nasasagot dahil 'di ko sila tinatanong. "An—then tell the other,"natikom ko naman ang bibig ko ng pangunahan ni Miracle ang sanang sasabihin ko. "How? D'yan palang sa kaibigan mo nakakasiguro na ako magagalit na 'yan." Turo niya sa akin. "Bakit ako?" Turo ko sa sarili. Nagulat naman ako ng hawakan ni Miracle ang magkabilaang braso ko at iharap niya ako sa kanya. "I need your help to find the owner," "Owner? Nang alin?" Napatingin ako kay Ethan ng umupo siya sa kinatatayuan niya samantalang si Miracle naman ay lumapit sa kanya para tumabi at tulad ng ginawa ni Ethan ay umupo rin ang kaibigan ko sa lupa. "Okay, anong gagawin ninyong dalawa?" Natatawang sabi ko pero na nahimik rin ako ng mapansin ko na seryoso sila sa ginawa nila kaya sumunod ako na umupo sa harapan nilang dalawa. Kumunot ang noo ko ng may ilapag si Ethan sa lupa na isang kahon. Nang umihip ang hangin papunta sa akin ay agad na umaalingasaw ang malangsang amoy. "Ano 'yan? Bakit malangsa?" Turo ko sa kahon na nasa harapan ko. "Ngayon namin kailangan ng tulo—hindi ninyo kailangan ng tulong niya!" Nilingon ko naman si Cedric na naglalakad papunta sa puwesto naming tatlo. "Cedric,"tumayo si Miracle para lapitan si Cedric ng lagpasan lang siya nito. Aambahan na sana ng suntok ni Cedric si Ethan ng may pumigil sa kamay ni Cedric. "Stop!" Sita ni Green na siyang pumigil sa kamay ni Cedric. "What are you doing? Bitawan mo ako Green!" Umiling lang si Green at tiningan ako,"ilayo mo muna si Miracle." Binalingan niya ng tingin ang kaibigan ko. "Ipaliwanag mo sa kanya ang lahat na nangyari sayo," Napatingin nalang ako sa kanila ng tumayo kaming dalawa ni Miracle at nilayo niya ako sa mga lalaking bakas ang mga matatalim na tingin sa isa't isa. "Bakit sila gano'n?" "H'wag mo akong ikumpara sa kanila dahil ipapaliwanag ko sayo ang dahilan kung bakit sila gano'n sa harapan mo." ༒︎ Natinag naman ako ng walang pakundangan na iniisa-isa ni Daisy kasampal ang tatlong lalaki maliban kay Cedric. Kelan pa nangyari 'to? Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa aki ni Miracle tugkol sa laman ng kahon. Bakit gano'n nalang ang ginawa ng taong 'yon kay Elisha? "Bakit itinago ninyo sa amin ang nalalaman ninyo?" "Daisy, 'di namin 'yon ginusto dahil ayaw lang namin na mag-alala pa kayo sa isang tao na imposibleng makita pa." Tugon ni Raphael. "Ganyan na ba kasama ang ugali mo Raphael? Akala ko ba ay may gusto ka aa kaibigan ko?" Nagulat naman ako sa narinig ko pero parang ako lang ata ang nagulat sa amin dahil lahat sila ay seryosong nakatingin kay Daisy. "Naiintindihan ko ang hinanakit mo Daisy para sa kaibigan mo, ngunit wala tayong magagawa sa nangyari kay Elisha." Sabi ni Ethan. Sasampalin na sana ni Daisy si Ethan ng hawakan ni Cedric sa palapusuhan si Daisy at hinala papalayo kay Ethan. "Don't,"pabulong na sabi ni Cedric na dahilan para marinig ko ang hikbi ni Daisy. "A-anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin bago tumingin kay Cedric na seryosong nakatingin sa amin. "Find ho the fu*king ang gumawa no'n sa pinsan ko," "How?" Nilingon namin si Miracle na nakakunot ang noo sa amin. "Need to move then,"sohestyon ni Green na ikinatango naming lahat. Sana buhay pa siya,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD