Babae

1806 Words
Hindi na namalayan ni Logan na nakahiga na siya sa damuhan. Mistula nag-yelo ang kanyang mga mata nang ma-absorb na niya at makolekta ang katawan ng baby mammoth. Kakaiba ang hatid nito sa loob niya kumpara sa low grade berserker na una niyang na-absorbed. Sa pakiwari niya ay nagliliyab ang kanyang katawan sa lamig dahil sa bagong enirhiyang nananalaytay sa kanyang mga ugat. Ang baby mammoth ay matatagpuan sa puso ng gubat sa Lower blood. Ito ay nabibilang sa mga beast na naninirahan sa nagyeyelong parte ng kagubatan. Isa sila sa mga beast na may matibay na balat. Ang isang full-grown mammoth ay kayang magbigay ng hanggang five to six million high grade points. Hindi katulad ng baby mammoth na halos lahat ng parte ay napakikinabangan, dahil ang karne ng full-grown ay wala ng silbi. Ngunit, dahil na rin sa malaking buto nito ay nagsisilbing tahanan ng mga evolvers o kahit na malilit na mga beast ang malaki at matibay na buto ng mga ito. Matagal na ang panahon nang huling nakahuli ng mammoth ang royal family sa Lower blood. Hindi kadalasang nagagawi ang mataas na uri ng berserker sa mababang parte ng gubat. ’Liban na lang kung sila ay nabulabog o may nakaambang panganib sa kanilang tirahan. Minsan naman, kapag may paparating na sakuna ay kusang pumunta sa lugar ng mga evolvers ang mga beast kagaya ng isang low grade. Dahil sa kakaibang pangyayari ay muling naganap ang paglabas ng mammoth mula sa lungga nito. Hindi inasahan ng lahat ang maaring mangyari. Basta ang alam lang nila ay kailangan nilang makuha ang kapangyarihan. Ramdam ni Logan ang unti-unting pagbabago ng kanyang paningin. Maging ang katawan niyang dating malaki ay tila mas lumaki pa at nagkaroon ng mala-bakal na muscles. Labis din ang sakit na naidulot ng biglang pagbabago ng kanyang katawan. Minsan ito ay nahihila minsan naman ay mistula hinihiwa o binubunot isa-isa ang kanyang mga balahibo. “Tu-tulong . . .” Kahit na nahihirapan makakita ay pilit na inaaninaw ni Logan ang kanyang kapaligiran nang makarinig siya ng isang bulong. Isa itong bulong na tila ay naghihingalo na ikinabahala ni Logan. Dahil noon pa man ay nakagawian na niyang tumulong sa mga nangangailangan. Kapag nakakarinig siya ng mga nasa panganib ay tila may sariling isip ang kanyang katawan at kusa itong kumikilos. Hindi naman niya magawang tumaliwas dahil ito mismo ang bulong ng kanyang busilak na puso. “Babae?” tanong ni Logan sa sarili nang maaninaw niya ang isang nakahandusay na katawan. Nakita niya halos isang dipa lang ang layo sa kanyang hinihigaang lupa ang babaeng tila nag-aagaw buhay. Napaupo nang tuwid si Logan nang maalala niya ang second quest. ‘Siya na ba ang dapat kong iligtas?’ Nag-aalala siyang tumitig rito at napabuga nang marahas. Walang pag-aalinlangan na nilapitan niya ang dalaga kahit nangingig pa ang kanyang mga paa at kamay. Saglit siyang natigilan at napaawang ang bibig. Sa pag-apak niya sa bagong mundo ay ngayon pa lamang niya nakita ang kakaibang ganda sa wangis nito. Ganda na maihahalintulad niya sa isang diyosa. Hinawakan niya ito at akmang bubuhatin nang nakaramdam siya ng kakaibang likido na dumikit sa kanyang likuran. Ramdam ito ni Logan kahit na nakasuot siya ng invisible armor. Tila ang invisible armor pa ang nag-aanyaya rito upang mas dumikit pa lalo sa kanyang katawan. Mistula itong isang slime na gumagapang sa mga parte ng kanyang katawan. Hindi naglaon ay biglang nag-init ang buong katawan ni Logan. Hindi niya maipaliwanag ang init, subalit isa lamang ang nais niya. Ang mawala ang nakamamatay na init na naglalandas sa kanyang mga ugat. Kung kanina ay labis na lamig, ngayon naman ay labis na init. Kung iniisip niya ang impyerno ay masasabi niyang mukhang ito na ang nararamdaman niya ngayon. “Ahhh!” hiyaw niya dahil sa sakit dala ng tila nasusunog niyang kalamnan. Pinagpapawisan at nahihirapan siya sa paghinga. Wala ng makita si Logan sa paligid dahil maging ang kanyang mga mata ay naging purong itim. Ilang sandali pa ay ang kaninang mainit niyang nararamdaman ay napalitan ng matinding lamig. Lamig na animo'y nagpapatigil sa bawat daloy ng kanyang dugo. Naghalo-halo na ang pakiramdam niya. Sa bawat pilit na pag-umalpas ay umaasang maibsan ang paghihirap na nadarama. Bumaluktot ang kanyang katawan na tila nangingisay. Pinilit ni Logan na gumawa ng paraan subalit ayaw siyang pakawalan ng likidong umaangkin sa kanyang kabuuan. ‘Masama ang aking magiging lagay kapag nagpatuloy ito,’ himutok ni Logan sa sarili. Mistula humiwalay ang kanyang isipan sa kanyang katawan dahil kusa na itong gumagalaw ng hindi niya pinag-iisipan. Lupaypay man ang sarili ay nagagawa pa rin niya ang kumilos dahil sa kayang nais. Unti-unting bumangon si Gamiya mula sa kanyang pagkakasalampak sa damuhan. Nalilito niyang hinawakan ang kanyang ulo at inalala ang mga nangyari sa kanya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari na hindi niya lubos na inasahan. Sa pagkakaalam niya ay nasa bingit na siya ng kamatayan. Sa labis na paghihirap ay sumisigaw ang kanyang kaluluwa at nais umalpas mula sa nagdurusa niyang katawan. Tumatayo ang kanyang mga balahibo habang inaalala ang masaklap na sinapit niya. Wala sa sariling napatingin siya sa kanyang paanan. Pakiramdam niya ay lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nasasaksihan. Laking gulat na lamang ng dalaga na may lalaking namimilipit doon. Ang mas lalong nagpamangha sa kanya ay ang likido na dumikit sa kanya ay nasa lalaki na ngayon. Nais man niya itong tulungan subalit hindi niya ito maaaring hawakan. Kung hindi ay baka muli na naman itong lumipat sa kanya. Nangingilabot ang dalaga sa tuwing nagbabago nang posisyon at awra ang katawan ng lalaki. Hindi niya mapigilang humanga rito. Ang labis na init na naramdaman niya kanina ay inakala niyang ’yon na ang papatay sa kanya. Subalit, naiiba ito. Dahil nakayanan ng katawan nito ang dala ng kung ano man na uri ng beast ang dumikit dito. Hanggang sa napagtanto ni Gamiya ang heavenly tears berserker. Tutop ang kanyang bibig habang nakatingin pa rin sa lalaki. ‘Hindi kaya ito ang heavenly tears berserker?’ Napukaw lamang ang pag-iisip ni Gamiya nang tumigil na sa kakalupasay at galaw ang lalaki. Takot pa rin siyang hawakan ito kahit na hindi na niya matanaw ang likidong dumikit dito. “Dapat nandito lang ’yon sa paligid. Dito tumigil ang mga sigaw. Galugarin ninyo ang parteng ito at kami naman doon sa kabila. Hindi ako maaring magkamali. Nawawala rin ang pan-amoy ko sa hangin dahil sa naksusulasok na naaagnas na lamang pilit umaangkin sa halimuyak ng paligid.” “Paano kung maligaw kami brother Dee? Masyadong makapal ang hamog dito. Tila nawalan ng silbi ang ating mga communication rings.” “Sige, tama ang sinabi mo. Dapat mas maging buo dapat tayo. Dahil kung totoo ang nakasulat na pinapatay ng heavenly tears ang madidikitan niyang hindi karapat-dapat ay malamang, isa sa nabiktima ang may-ari ng boses kanina. Dapat sama-sama tayo. Kaya kilos na! Doon tayo sa gawing iyon!” Halos tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga nang marinig niya ang mga pamilyar na boses. Eto ang mga evolvers na nais humuli sa kanya kanina. Sa tingin niya ay hinahanap ng mga ito ang pinanggalingan ng boses kanina. Malakasa at puno ng sakit ang sigaw na iyon. Maaaring inisip ng mga ito na narito na ang parasite na heavenly tears. Kaunti lamang ang kaalaman ng mga naninirahan sa Lower blood pagdating sa heavenly tears. Pero, marami pa rin ang nagnanais na makamit ito. Nakatayo lang si Gamiya malapit sa lalaki. Iniisip niyang iwanan na lang ito at tuluyan ng pumasok sa puso ng gubat. Subalit, naaawa siya sa kalagayan nito. Kung ’di dahil dito ay malamang siya ang nakahandusay ngayon at mas tamang sabihin na wala na sana siyang buhay sa ngayon. “Tu-tulungan mo a-ako . . .” Hindi alam ni Gamiya ang gagawing nang hawakan siya nito sa paa nang mahigpit. Tinatambol sa kaba ang kanyang puso sa takot na muli na namang dumikit sa kanya ang likido. Aalisin na sana niya ang matinding kapit ng lalaki sa kanyang maputlang paa nang wala naman siyang naramdaman na kakaiba. “Marahil ay lumipat sa isa sa mga Evolvers ang likidong ’yon,” turan ni Gamiya at Kumuha ng kumot sa loob ng kanyang storage ring upang gawing panangga sa parte ng katawan ng lalaki na kanyang mahahawakan. Nais niya itong isilong sa lilim ng isang malaking puno na natatanaw niya malapit lang sa kanilang kinaroroonan. Nang mahawan na niya ito ay saglit munang binantayan ni Gamiya ang sarili. Mabuti ng manigurado kaisa mapahamak siya ulit. Magpapasalamat din siya sa lalaki dahil nasa tamang oras ang pagdating nito. Dahil kung nagkataon ay kanina pa siya namatay kagaya ng berserker kanina. Ginalugad ng mga mata ni Gamiya ang paligid. Subalit, laking pagtataka niya na wala na roon ang berserker na dahilan kung bakit siya natumba. Sa palagay niya na ang beast ang naging unang biktima ng likido. Nangilabot ang dalaga da isiping matutunaw ang katawan ng sino man kapag hindi naagapan. Iniisip pa lang niya na natunaw ang beast ay nangangatog na siya. “Paano mo nakayanan ang likidong iyon?” tanong ni Gamiya, habang unti-unting hinihila ang lalaki. Nang tuluyan na silang makasilong sa lilim ng puno ay pagod din na naupo ang dalaga kaharap ang lalaki. Hindi niya mawari sa laki nito at mistula kasing bigat ng mga hinihiwa niyang balat ng isang low tier beast. Wala sa sariling sinisipat niya nang maigi ang mukha nito dahil talagang kakaiba ang nararamdaman niya sa lalaki. Laking gulat na lamang ni Gamiya nang makita ang mukha ng lalaki. Halos tumigil ang kanyang paghinga at t***k ng kanyang puso. “Ro-Royal Spirit . . .” bulong pa niya na hindi makapaniwala. Nararamdaman ni Gamiya ang pagkulo ng kanyang dugo. Isa iyon sa kakayahan ng mga royal spirit na iparamdam sa kanyang nasasakupan na saklaw niya ito. “I-Ikaw, a-anak ka ng hari.” Hindi maipaliwanag ni Gamiya ang sayang nadarama. Labis na nagdiriwang ang kanyang kalooban. Dahil sa wakas, sa loob ng maraming taon ay muling makakasilip ng pag-asa ang lahi ng mga spirit. Wala sa sariling hinaplos ni Gamiya ang mukha ng lalaki. Hindi man niya ito kilala ay hindi maipagkakaila ang dugong nananalaytay dito. Dugo na matagal ng hinihintay ng mga kagaya niyang inalipin at inalipusta sa pamamahala ng mga walang kaluluwang Void clan. “Masaya ako sa iyong pagbabalik, Kamahalan. Pangako, sasamahan kita sa iyong pagbawi sa ating kaharian.” Naging panatag ang kalooban ni Gamiya na unti-unting ipinikit ang pagod niyang mga mata. Sa tanang buhay niya ay ganoon lang siya nakampanti nang lubos. Lumaki siyang nakatago upang takpan ang kanyang kakaibang kagandahan. Kaya ay walang araw na hindi siya alerto. Natuto siya na lumaban gamit ang punyal. Kaya nang naghahanap ang mga tagabantay na maaaring makabilang sa tagahiwa ng karne ay agad siyang nag prisinta at ginawa ang lahat upang matuto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD