Pinagmasdan ni Logan ang apat na babaeng mahimbing na natutulog sa kama. Kahit natutulog ang mga ito ay nakikita niya sa mga mukha ng kanyang mga mahal na babae ang pagiging masaya, kontento at payapa. Halos inumaga na sila sa kanilang mga ginawa. Pakiramdam niya ay nag malabis siya kagabi. Subalit alam naman niya na gusto rin ng mga ito ang nangyari. Pareho nilang alam na hindi ito palaging mangyayari. Kaya ay sinagad na nila ang lahat ng kanilang mga lakas kagabi. Kahit gusto pa ni Logan dahil talagang hindi siya nakaramdam ng natural na pagod ay alam niyang may hangganan ang lakas ng mga ito, maging si Leshiu ay kusang sumuko na rin ang katawan. Hindi pa rin maalis ang kanyang mga ngiti. Mistula nasa alapaap ang kanyang kaluluwa at nahihirapan itong makabalik. Hanggang sa naisipan niyan

