Makipot ang daan na tinatahak nina Logan at Ocvoo. Tahimik lang siyang naka-masid sa paligid habang naunang maglakad ang kanyang vizier dahil ito lang ang nakakaalam sa kanilang dinadaanan. Naninibago siya sa paligid at sa kipot ng daanan ng hangin, ngunit nakakayanan naman niya ito kahit na pakiramdam niya ay mistula siyang bumabalik sa panahon na nasa giyera pa siya at nakikipag bakbakan upang maisalba ang kanilang grupo at kanyang buhay. Mistula nagbabalik siya sa mapait na alaala habang binabaybay ang daang hindi pa niya napuntahan. Halos mag-iisang oras na rin mula ng narinig nila ang nakabibinging tunog ng alarm. Mula sa oras na ’yon ay mas lalong nagkalat na ang mga Voidran guard sa paligid ng Middle forest. Isa sa dahilan ng alarm ay ang patubo ng spirit tree sa loob ng tinataniman

