Mahigit sa dalawang araw ang ginugol nina Logan at Gamiya sa daanan patungong middle forest. Sa kanilang paglalakbay ay tumitigil lang sila upang magpahinga pansamantala. Ang kanilang kinakain ay ang na-preserbang karne sa loob ng storage ring na ibinigay ng Ama ni Gamiya. Pinagkakasya nila ’yun dahil maging ang dalaga ay hindi sigurado kung gaano pa katagal ang kanilang paglalakbay upang marating ang kanilang pupuntahan. Sapat iyon sa halos isang buwan pati na rin ang tubig nang dahil na rin sa pagtitipid. Matapos ang nakakapagod nilang paglalakas ay nagkaroon sila ng pag-asa. Malayo pa lang sila ay tanaw na nila na maraming mga evolver sa lugar na kanilang tinahak. Maging ang mga kuwadra ay punuan din. Madalas ang mga grupo ng evolver ay gumagamit ng mga kabayo sa paglalakbay. Ang kabayo sa lower blood ay isang cross breed beast at inalis ang dugo nito na agresibo. Meron ding gumagamit ng mga berserker beast bilang transportasyon. Pero, kaunti lang ang gumagamit ng ganitong klase na paraan sa paglalakbay dahil hindi ito mabilis gawin. Ang mga beast na napapaamo ay sinimulang e-train mula noong bata pa o bagong pisa kung galing naman sa itlog.
Sa sitwasyon nina Logan ay naglakad lang sila para iwas na rin sa mga matang mapagmatyag. Ang buong middle forest ay monitored ng isang high grade treasure crystal. Ginagamit ito upang maiwasan ang karahasan kung may mga bagong salta sa lugar. Bago makapasok sa loob ng middle forest evolver place ay madadaanan ang mga bangketa sa labas ng matayog na mga pader. Ang mga nagnenegosyo sa labas ng evolver place ay ang mga hindi kinaya ang mahal ng pananatili sa loob. Kung nasa loob ang negosyo, ang ibig sabihin ay nasa loob ito ng protection shield. Walang nakakapasok na mga berserker at mga hindi inaasahang kalaban. Kung mangyari man na may lumusob, mayroon itong evacuation plan sa ilalim ng lupa. Habang ang mga nakikipagsapalaran sa labas ng gate ay palaging malapit sa disgrasya at panganib.
Kung mayroon mang magwala na berserker ay wala silang pagpipilian kung hindi ang lumaban. Dahil ang mga nagbabantay sa lugar ay kumikilos lamang sa utos ni king Voidron. Hindi man sila nangungupahan sa loob ng evolver's place ay nagbabayad pa rin sila ng buwis para sa hari. Masaklap iyon subalit tinitiis nila kaysa magutom at matulog kung saan-saan.
Pagod na ang mga paa ni Gamiya ngunit kailangan niyang makipagsabayan sa bilis ni Logan. Ilang oras na siyang nagtitiis. Ayaw niyang sumuko o ipahiya ang sarili lalo na’t malapit na sila. Bawat hakbang pakiramdam niya ay binubunot isa-isa ang mga ugat sa paa niyang nagsisimula ng maging manhid. Sabay man sa mabigat na trabaho ay iba pa rin para sa kanya ang gawain na pagtakbo at sukatan ng bilis. Kung paano ikukunekta ang tamang paghinga sa abnormal na t***k ng puso at hindi ma-kontrol na katawan dahil sa labis na pagod.
“Gamiya, sumampa ka sa likuran ko at bubuhatin na lang kita. Pasensya ka na. Hayaan mo at sa susunod na mga araw ay meron na tayong masasakyan.” Laking gulat ng dalaga nang tumigil si Logan sa mabilis na paglalakad at sinabihan siyang sumampa rito.
“Nako! Lo-Logan, ’di bale na. Malapit na naman tayo sa evolver place. Kaya ko pa naman maglakad.” Hindi magkamayaw ang sistema ng dalaga sa isiping magiging ubod nang lapit ang kanyang katawan sa katawan ni Logan. Inosente man sa mga ginagawa ng magkaibang kasarian ay naiilang siya sa reaksyon ng kanyanh katawan para sa hari niya.
“Alam ko na kahit natatanaw na natin ang ating patutunguhan ay malayo pa rin ito. Nasa bulubunduking parte tayo ng daanan. Samantala ang evolver's place ay nasa patag. Kung susumahin ay aabutin pa tayo nito hanggang gabi. Kaya hali ka na. Mas magiging mabilis din tayo kapag karga kita.” Namumula ang pisngi ni Gamiya na sumampa sa naka-abang na likuran ni Logan. Nahihiya siyang inaalala kung gaano niya pinabagal ang kilos nito. Malamang kung hindi siya nito kasama ay matagal nang nakarating si Logan sa middle forest.
“Handa ka na ba, Gamiya?”
“O-oo, handa na ako.” Mabilis ang mga hakbang ni Logan na animo’y merong humahabol sa kanila na talagang mabilis na nagpatibok sa puso ni Gamiya. Ramdam niya sa bawat pagdantay ng hangin sa kanyang balat ang pressure na dulot ng kanilang pagsalubong sa direksyon nito. Ang daanang kanilang tinatahak ay matagal ng hindi nadadaanan. Kagaya sa mundo ng mga mortal ay dumaan din sa simula ang mundo ng blood. Nagsimula sa paglalakad hanggang nakagawa ng iba pang paraan sa transportasyon. Sa mundo ng blood naman ay natuto silang mag tame at mag-breed ng mga beast. Matindi ang pagod na nadarama ni Gamiya gayong nakakapag pahinga siya sa likuran ni Logan. Ramdam niya na unti-unting nawawalan ng lakas ang kayang katawan at sumasara ang kanyang mga mata.
‘‘Ah! Pakiusap, paslangin mo na lamang ako, Prince Magus. . .’ Naglalakad si Gamiya sa kawalan hanggang sa nakarinig siya ng palahaw at pagmamakaawa ng isang babae. Hindi niya mapigilang humakbang patungo sa kinaroroonan ng nakakaawang boses.
‘Pakiusap . . . Ahhh! Tama na! Pakiusap!’ Tutop ni Gamiya ang kanyang bibig nang makita niya ang isang babae na naliligo sa sarili nitong mga dugo. Hubo’t hubad ito at puno ng latay ang buong katawan. Hindi maiwasan ni Gamiya na maglandas ang kanyang mga luha. Naaalala niya ang sinapit na matinding hagupit ng kanyang Ina. Ito ang sumalo ng kanyang pagkakamali noong kabataan pa niya. Kaya simula noon ay naging mas maingat na siya sa kanyang mga kilos at ginagawa. Dahil sa bawat latay na matatanggap ng mahal niya ay kapalit no’n ang malaking latay na habang-buhay ng nakaukit sa kanyang puso. Maaring makalimutan ng isip ang lahat. Subalit ang puso niyang simula bata pa lang ay hinubog na sa pasakit ay sinsitibo ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa pang-aabuso para sa kanya.
‘Ahhh! Pakiusap . . .’Tila ay hinihila ang kanyang paghinga sa puno ng sakit na sigaw ng babae. Mistula karayum ang sigaw na iyon na tumutuson mula sa kanyang tenga papunta sa kanyang nagdurugong puso. Hindi niya iyon matagalan. Subalit habang sinusubukan niyang alisin sa kanyang isip ay mas lalo itong dumidiin na para ding siya ang pinahihirapan. Pakiramdam niya ay tinatanggap din niya ang lahat ng parusang nararanasan ng babaeng evolver.
‘Isa kang maruming Voidran! Lapastangan at walang silbi! Pangarapin mong hindi ka na lamang sana isinilang! Alam mo bang inalay ka na sa akin. At puwede na kitang paslangin ano mang oras. Pero, hindi ko iyon gagawin, masyadong mabilis iyon na kaparusahan sa iyong kalapastanganang nagawa. Galing ka sa mataas na angkan ng mga Voidran sa Lower blood. Dinungisan mo ang malinis na pangalan ng iyong angkan. Ngayon, natapos na ang iyong parusa na isang libong hagupit. Hinahatulan kita na maging kauna-unahang pure blood Voidran, kabilang sa royal blood na maging isang alipin. Kalibel mo na ngayon ang mababang uri na spirit blood sa Lower blood world. Magsisilbi ka sa Heavenly Clan hanggang sa huling buga ng iyong hininga.’ Sa bawat paglabas ng mga katagang binitawan ng nagsasalita ay si Gamiya ang nahihirapan huminga para sa babaeng nasasakdal. Hindi niya maunawaan kung paano umabot sa ganitong sitwasyon ang may mataas na antas sa Lower blood.
Matapos maibaba ang hatol para sa babae ay mabilis ang mga hakbang ni Gamiya na sumunod sa mga guwardya habang hila-hila ng mga ito ang halos wala ng malay na babae. Isa sa mga naisip ni Gamiya na naging kasalanan ng babae ay nakapatay ito ng myembro ng heavenly clan. Ngunit kung pagbabasihan ito sa hitsura ng babae ay hindi sapat ang lakas nito upang makapaslang ng isang makapangyarihan na indibidwal, lalo na ang nasa ikatlong mataas na mundo. Kahit galing pa siya sa mataas na angkan ng mga Void ay hindi pa rin iyon sapat upang malupig niya ang isang may heavenly blood. Sa bigat ng hatol sa babae ay malamang ubod nang laki ang naging kasalanan nito. Mababanaag sa kanyang mukha ang matinding takot subalit naroon pa rin ang matinding kasiyahan. Kung makikita ng iba ang kanyang hitsura ay aakalain na siya ay isang baliw. Dahil walang matinong evolver ang matutuwa lalo na’t haharap siya sa isang parusang hindi naman niya kasalanan.
‘D’yan ka nababagay! Isa kang maruming nilalang! Hindi ba itinuro sa iyo ang kahalagahan ng iyong maiden essence? Hindi ba itinuro sa iyo na dapat ibigay mo lang ito sa lalaki kung saan ay doon ka mapapabilang sa kanilang harem? Isa kang hipokrita! Maganda ang katayuan ng mga Pien dito sa Heavenly blood world. Kaibigan ko ang iyong ama. Heh! Maging ako ay sang-ayon sa kanyang pasya na paslangin kana lamang. Ngunit, magpasalamat ka at binuhay ka pa ng Prinsipe. Ngayon ay magdusa ka!’ Kitang-kita ni Gamiya na dinuraan muna ng dalawang lalaki ang babae bago ito tuluyang umalis. Basi sa gayak ng isa sa dalawang guwardiya ay malamang ito ang kanilang komander. Doon lang napagtanto ni Gamiya na ang kasalanan ng babae ay naibigay nito sa ibang lalaki ang maiden essence nito. Oo nga at mabigat ito, lalo na at magiging alay pala ito sa ubod nang taas na angkan sa Blood world. Ngayon ay muling bumalik sa kanyang isip ang sumpa ng isilang na isang maganda sa mundo ng Blood.
‘Lo-Logan . . . Ku-kung nasaan ka man ma-mahal ko, sa-sana ay masaya ka . . .’
“Lo- Logan!” Sumikdo ang kanyang puso. Napuno ito ng pangamba at labis na pag-aalala. Hindi siya ang mauuna kung sakali. May nagmamay-ari na sa puso nito na talagang masasabi niyang higit pa sa karapat-dapat. Higit sa kanya at sa kahit na ano pang bagay sa mundo. Isang ngiting puno ng paghanga ng dalaga sa kanyang panaginip ang kanyang pinakawalan. Ipinangako niya sa sariling luluhod at magpapasalamat siya rito dahil sa labis nitong pagmamahal para sa hari ng Lower blood. Hindi matatawaran ng kahit na sino man ang respetong nararapat para dito. Kahit tingnan niya ang kanyang sarili ay wala ni katiting kung ikukumpara niya rito. Nakaramdam siya ng habag para sa sarili. Nais man niyang tapatan ito ay alam niyang hindi pa niya magagawa ang mga ito sa ngayon. Lalo na’t kasisimula pa lamang niyang patunayan ang sarili sa lalaki.