Nanginginig at pinagpapawisan ang mga kamay ni Lady Z habang hawak-hawak ni Finn. Ramdam niya ang kasiyahan at kaba ng kaibigan habang papalapit sila sa kuwebang inuukupa ni Logan at Gamiya. Maging siya ay kinakabahan din subalit sinusubukan pa rin niyang itago ’yun upang masuportahan ang kaibigan. Alam ni Finn sa kanyang puso na umaasa ang kaibigan na sana ay si Logan na ang sagot sa matagal na nitong pangamba at suliranin. Siya man ay napamahal na rin sa haven. Hindi rin niya maisip kung saan siya pupunta kapag nawala ito sa kanila. Alam nila na kapag napunta sa mga kamay ni King Voidron ang Haven ay masisira ang hiwaga na nananalaytay sa ugat ng puno at mawawalan ng kinang ang talon. Labis na importante na mapanatili ang dalisay nitong daloy para na rin sa ikabubuti ng haven. Nais lama

