Ang dating masalimuot na buhay ng mga mamamayan ng Death bound ay nagwakas na. Matapos ang mahabang panahon na pagtitiis. Mga buhay na nawala ng walang katuturan. Mga walang habas na pagkitil. Sa ngayon ay natapos na at natuldukan. Nilipon nila ang lahat ng mga Voidran guards dahilan upang mas malaya na silang nakagagalaw sa loob. Ang dating lugar na kahit saan patutungo nanganganib ang kanilang buhay, ngayon ay lubusan ng napasa kanila. Ang mga ngiting nawala maraming taon na ang nakalipas ay ngayon nagbalik ng muli. Mas nagniningning at puno ng kinang. Walang mapagsidlan ang sayang nadarama lalo na ang mga evolvers na nabigyan ng pangalawang hindi inaasahan na buhay. Mga pagkakataong hindi nila inaasahan na mangyari sa gitna ng mala impyerno nilang pamumuhay. Dalawang araw na ang nakali

