Habang umiihip ang hangin ay mas lalo siyang natabunan ng nyebe. Hindi siya makagalaw at mistula mayroong nakahawak sa kanyang mga paa sa ilam. Ang ginawa niyang paggalaw kailan lang ay agad ding nawalan ng silbi dahil sa labis na lamig. Pinilit niya ulit ang gumalaw subalit mas lalo lang siyang lumulubog. Pakiramdam niya ay nasa nyebe siya na mistula isang kumunoy. Unti-unti siyang hinihila ng hukay at tila isa itong buhay na naglalayon na siya ay makain. Ang kanyang bawat pag-uumalpas ay naririnig naman ito ng puso ni Leshiu. Hindi niya tuluyang naisara ang kanyang connection sense sa loob ring world kaya nalalaman ni Leshiu ang nangyayari sa kanya sa labas. “Logan! Lalabas ako. Tutulungan kita!” sigaw ni Leshiu. Nang marinig niya ’yon ay agad niyang iniutos sa system na palabasin ito.

