Nang nakaalis ang mga babaeng evolver sa lugar ay nagsimula na rin silang kumilos. Galing sa puno na kanilang pinagkukublian ay lalakbayin nila ang daan tungo sa mas mahirap na daanan. Pinili niya ang rutang ito sapagka’t kung may makakalaban man siya ay hindi mga kapwa niya evolvers, kung hindi ay mga beast lamang na hindi naman niya lalabanan kung hindi niya kakayanin. Sa kanilang pagsisimula ay nakaangkas sa likuran niya si Naza habang matulin ang kanilang takbo. Malayo pa lang ay nakatuon na ang spirit sense ni Logan upang makita ang mga nangyayari sa paligid. Bagama’t abala sa pagkilos ay mataas naman ang kanyang dipensa at laging nakaantabay sa mga susunod na maaaring mangyari. Alerto ang bawat sulok ng kanyang sense upang hindi siya maunahan ng ibang mga grupo. Kahit na napili niya

