Chapter 4

1620 Words
“OMG! Talaga? Napapayag mo? How did you do it? Don't tell me you sold your soul to Illuminati para mapapayag ang kambal ni Satanas?” Mataas ang pagkaka-igkas ng kilay ng baklang si Jules habang nakatingin sa akin. Ang tinutukoy nitong kambal ni Santanas ay ang mortal enemy ko mismo na si Reed. As usual, ang kapal na naman ng lipstick ng baklitang ito. Ako ang nanghihinayang sa lipstick na ginagamit niya samantalang mamaya ay buburahin din naman niya ito sa susunod na klase. Ininom ko muna ang natitirang mango shake sa disposable cup bago ito sinagot. Katabi ko si Vans na alam ko'ng nakikinig kahit bisi-busy-han ang bakla sa pagre-review. Sa aming tatlo, ito ang pinaka-studious, next to me. “Hm, let's just say, nakipagkasundo ako sa kanya. Knowing Reed, hindi iyon papayag na walang kapalit ang pabor na gagawin niya para sa akin,” ani ko. Saktong dumaan ang janitor sa lamesa namin kaya itinapon ko na rin ang disposable cup sa malaking trash container na dala nito. We're here in school cafeteria, dito namin madalas gugulin ang mga oras kapag vacant namin. As of now, may isang oras pa kaming nalalabi para sa susunod na klase. “At ano naman daw ang hinihinging kapalit ni Reed, aber? Pabulong naman.” Saglit akong nag-isip kung dapat ko nga bang i-share sa kanila ang naging usapan namin ni Reed. “Sekretong malupit, di pwede ibulong, Mars. Baka pagtawanan mo pa ako kapag nalaman mo. Kilala kita, ikaw ang unang-una sa mga basher list ko.” Sa huli ay napagdesisyunan ko nang huwag sabihan sa kanila. “Ay, KJ. Baka naman forbidden sa sampung utos ng Diyos iyang napagkasunduan niyo kaya ayaw mo'ng i-share.” Panghuhula nito na siyang ikinalaki ng butas ko sa ilong. “Baka naman may gusto ko na kay Reed. Confused ka lang yata ngayon dahil palagi kayong magkasama sa bahay. Ika nga nila, the more you hate, the more you love.” Napangiwi ako sa gasgas na kasabihang iyon. “Pakyu ka ng bente-bente sa part na 'yan, Mars. Talaga ba? Naisip mo 'yan? Alam mo'ng sagad hanggang hypothalamus ang inis ko sa lalaking 'yon. Kung hindi lang talaga natin siya kailangan para sa event ay never ko siyang hihingan ng pabor,” depensa ko na may kasamang pag-irap. Hindi naman porket bestfriend ko sila ay dapat ko nang ibahagi ang mga pribadong parte ng buhay ko. May limitation din naman akong naka-set sa friendship naming tatlo. Naiintindihan naman nila iyon. Ipinaliwanag ko na sa kanila na malaki lang talaga ang trust issues ko sa buhay simula noong iwan kami ng nanay ko. She's the most hated person in my life. Pangalawa naman si Reed. Mas magaan-gaan nga lang ng kaunti sa lalaking 'yon dahil kahit paano ay malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya. “Just make sure, Mars, na pupunta si Reed sa araw ng event. Nakasalalay ang magiging participation niya para makakuha tayo ng mataas na marka,” seryosong isinara ni Vans ang binabasang aklat at saka hinubad ang de-gradong salamin. Napatitig tuloy ako sa makinis nitong mukha. Mala-porselana sa kintab ang peslak nito. Parang walang pinagdaanang acne breakout sa tanang buhay nito. “Saan ka nagpapa-derma?” random ko'ng tanong dito. Gusto ko'ng malaman dahil isa na namang tigyawat ang tumubo sa ilong ko. Resulta ito nang paghalik sa akin ni Reed kagabi. Napuyat ako kakaisip sa halik na iyon. Hanggang ngayon nga ay naiinis pa rin akong isipin na siya ang nakakuha ng first kiss ko. Gusto ko'ng maiyak kapag na-aalala ko ang pangyayari na 'yon. Inireserba ko pa naman iyon para kay Vaugh. Buong college year ko, ini-imagine ko na dito ko i-aalay ang unang espesyal na halik ko pero lahat ng iyon ay naglaho na dahil lang sa damuhong si Reed. Isang malaking chaos talaga ito sa buhay ko. “Natural 'yan, Mars. I didn't use anything. Soap and water lang,” tugon nito. “Ikaw na ang pinagpala ni Lord,” sabay naming saad ni Jules. Tiningnan namin ito na parang hindi naniniwala. “What? Don't look at me like that na parang kasalanan ko na magkaroon ng makinis na mukha." “As in wala?” diskumpiyado ko pa ring pilit ko. “Sagana 'yan sa c*m kapag ganyan. Sabi kasi, kapag nilulunok daw ang tamurmur, nakakakinis ng balat,” side comment ni Jules pero sa akin na ngayon nakatingin. Nanlaki ang mata ko. Although, nasa medical field ang course ko, kapag ganito ang usapan, naninindig pa rin ang balahibo ko. I'm still not used to it. At batid ko ring active ang mga kaibigan ko'ng ito sa s*x kaya parang normal lamang sa mga ito ang mag-salita ng ganoon. Mas balahura nga lamang si Jules dahil talagang shini-share nito sa amin ni Vans kapag may booking ito. Na siyang kaibahan naman ni Vans na malihim sa nakakarelasyon. Minsan nga, nagkaroon kami ng pagkakataong i-dissect ang isang cadaver sa isa naming subject noong first year namin, halos panawan ako ng ulirat nang makita ko ang s*x organ ng bangkay. First time ko'ng makakita noon kaya nahimatay talaga ako. Hiyang-hiya ako nang magising. Dinahilan ko na lamang ang kawalan ng sapat na tulog at kain. “Jules, that's just a myth. Walang katotohanan 'yan. Tama na nga ang ganyang usapan. Let's go. Maglalakad pa tayo pabalik sa building natin. Malapit na ang klase,” pag-aaya na ni Vans sa amin. Sumunod na kami ni Jules sa pagtayo nang dere-deretsong lumabas si Vans sa cafeteria. Mga ilang metro rin ang layo ng nursimg building mula sa cafeteria. Pagdating sa classroom, nagulat kaming tatlo nang madatnan namin si Prof. Asia sa harapan ng silid. Nakaupo sa upuan kung saan nakaupo ang instructor namin para sa klase ngayong oras. Abala ito sa pagtitipa sa laptop kaya hindi nito napansin ang pagpasok namin. May mangilan-ngilan na rin namang estudyante ang nauna sa amin. “Bakit siya ang narito?” sangitsit na bulong ni Jules sa akin. “Aba, huwag ka sa akin magtanong. Malay ko diyan.” Umupo ako sa row kung saan hindi malayo o malapit sa white board. Inis pa rin ako dito kay Prof. Asia dahil nagawa niyang magustuhan ng lalaking gustong-gusto ko. Ang tagal tagal ko'ng nagmistulang stalker ni Vaugh tapos itong propesora na ngayon lang napadpad dito sa university ay nakabihag kaagad. Nasaan ang hustisya roon? Tumabi sa akin si Jules at Vans. Siyempre, kailan ba kami napaghiwalay na tatlo? Kung nasaan ako, naroon din ang mga 't. But after class, bahala na kami sa kanya-kanya naming buhay. “Nakakainis, nadagdagan na naman ng maganda rito sa classroom," bulong-bulong ni Jules sa sarili. Natawa ako sa pagmamarkulyo nito. Ang babaw talaga ng baklang 'to. Sunod-sunod nang dumating ang iba pa'ng mga estudyante. Maging ang mga ito ay nagtaka nang makita si Prof. Asia. Karamihan naman sa boys naming classmate ay napapasipol sa propesora. I admit, she's pretty enough para lingunin nang 360 degree ng mga kalalakihan. She's sexy and smart either. Evident naman iyon dahil sa murang edad ay college professor na ito ngayon. Accelerated daw ito ayon sa sabi-sabi. But I don't care. Basta 'wag lamang siya hahara-hara sa buhay ni Vaugh. Sumapit ang takdang oras, saka pa lamang tumingin sa aming lahat si Prof. Asia pagkatapos ay ngumiti. Sopistakadang tumayo at saka maingay na pinatapak ang takong sa sahig na yari sa vinyl. “Good day, students. Hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na ang instructor niyong si Mrs. Clemente ay nanganak na kagabi. At sa loob ng isang buwan ay ako muna ang hahawak ng subject niya. I will be your new instructor for the whole month,” anunsiyo nito. Naghiyawan ang mga lalaki naming kaklase. Halatang gustong-gusto ng mga ito ang narinig. “Itim na aura. . .” biglang sabi naman ni Vans sa kawalan. “Anong sinasabi mo diyan Vans?” Nakuha nito ang atensyon ko. Deretso lang ang tingin nito sa propesora. “Maitim ang nakikita ko'ng awra niya. I don't like her. Parang may hindi siya magandang gagawin.” Nangalumbaba ako. Aside from Jules and me, wala ng iba pa'ng nakakaalam na nakakabasa si Vans awra ng tao. Nakakakita ng multo at nakakabasa ng kapalaran sa pamamagitan ng tarot card. My friend was really awesome. “Really?” I wrinkled my nose. That's odd. Medyo creepy sa pakiramdam ko ang sinabi nito. Maya-maya ay bumaling ito sa akin. “Kung ano man ang bagay na pinagkasunduan niyo ni Reed, mag-iingat ka,” paalala nito. Napakurap ako. Gusto ko pa sanang kalkalin ang iniisip nito kaso ay nagtawag na si Prof. Asia para sa attendance ng mga estudyante. “Gomez! Is she here?” pagtawag ni Prof. Asia sa apilyedo ko. Mabilis akong nagtaas ng kamay upang sumagot. “Yes! Present!” Nagtagal ang titig ni Prof. Asia sa akin. Mabagal itong ngumiti sa akin. Pero hindi ko gusto ang ngiti nitong hindi man lang umabot sa mata. Para kasing nangingilala ito ng pagkatao. Plastikadang babae! Nagsimula ang klase na halos ayaw ko'ng pakinggan ang tono ng boses nito habang nagle-lecture. Ang sakit kasi sa tainga. Masiyadong mahinhin na halos hindi madaanan ng masamang hangin. Mabuti na lamang at natapos kaagad ang klase. Nakaalis na rin ang propesora. Abala ako sa pag-aayos ng books ko para ipasok sa bag nang biglang tumunog ang phone ko. Your duty starts now. I have a shoot at 6 P.M. Ipag-drive mo ako papuntang Ayala. Don't be late or else. . .you will never see me in your school event. - Reed Naibato ko ang libro sa malayo nang mabasa ang mensahe mula kay Reed. Nagulat pa nga si Jules. Heto na heto na. Nagsisimula na ang kalbaryo ko. Pisting yawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD