PALAISIPAN sa akin ang naging reaksyon ni Reed kanina at mga binitawan niyang salita. Naguguluhan ako at kinakain ako ng sobrang kuryusidad. Okay, given na magkaibigan sila ni Vaugh pero tama ba na naging ganoon ang reaksyon niya to the point na magalit siya sa akin dahil lamang sinamahan ko ang kaibigan niya? Anong klaseng utak 'yon? At saka, may karapatan ba siyang pagbawalan ako? Kung hindi lang namin kilala ang isat-isa, iisipin ko talaga na kung umakto siya ay parang isang lalaking nagseselos sa karelasyon. Wait, what the f**k? Tama ba ang naiisip ko? Nagseselos siya? Napatayo ako sa kinauupuan. Nakakakilabot man ngunit may chance na tama ako. Muntik ko pa ngang malaglag ang mga gamit ni Reed sa upuan dahil sa pagkakasagi. Nandito pa rin kasi ako sa van at hindi na pinasama ni

