Chapter 6

1618 Words
HILA-hila ko ang mga bagahe habang sinusundan si Reed na ngayo'y pumasok sa isang mataas establisment katabi ng mall. Hirap na hirap akoong nagmadali para lang abutan ito pero ang walanghiya, masiyadong ginagalingan ang pagpapahirap sa akin. Natanaw ko'ng pumasok ito sa elevator kaya naman mas binilisan ko pa ang lakad para maabutan ito. Muntik pa nga ako mapagsarhan ng elevator kung hindi lamang ako umaksyon. “Sandali! Open sesame!” Sinadya ko'ng ipagitan ang sariling braso sa papasarang elevator. Muli itong bumukas kaya nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok. “Ang sama mo! Baka gusto mo naman akong tulungan sa mga gamit mo?” angil ko kay Reed. Tumawa lang ito nang mapang-asar. “Kung aakuin ko 'yan, para saan pa ang kasunduan." “Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga akong pahirapan." “I'm not denying. Dapat alam mo na 'yan, matagal na. We hate each other, right? Anong aasahan mo sa akin? Maging mabuting amo sayo?” He's right. Kaya-kaya niya talagang sirain ang mood ko sa mga salita niya lang. “Atlis kahit paano naman maging civil ka,” nakangusong sabi ko. “Be a gentleman pagdating sa ganitong bagay. Ang bigat bigat ng mga gamit mo. Para ano man lang na ikaw na ang magbuhat ng duffel bag na 'to." muwesrtra ko sa bag na nakasabit sa kaliwang balikat ko. “Don't expect me to do that. Kung ayaw mo, umatras ka na lang.” Ngali-ngaling ihampas ko sa mukha nito ang bagahe. “Asa ka.” “Nice. Akala ko aatras ka na, eh.” Narinig ko'ng ismid ni Reed sa likuran. Kaming dalawa lang ang nasa elevator kaya kasyang-kasya ang mga gamit nito. Sa hindi kalakihang espasyo ay naglalaro sa ilong ko ang pabango nito. Nakakahalina ang bawat himaymay ng aroma nito. Mas binigyang tibay pa iyon ng AC kaya naman matagal iyong nananatili sa atmospera. Inignora ko iyon dahil muntik ko nang purihin ang mabango nitong amoy. Patago ko'ng inikot ang mga mata sa ere bago bumaling sa kanya suot ang matamis na ngiti. “Ikaw naman, kailan ba ako umatras sa usapan? That will never gonna happen.” “Good. Fifty-seven,” anito bigla. “H-Huh?” maang ko. “I said floor fifty-seven. Pindutin mo.” Ay! Oo nga pala! Dali-dali ko'ng pinindot ang button at nanatili lang sa kinatatayuan. Medyo malayo naman Ang distansya ko sa kanya. At dahil naaaninag ang repleksyon mula sa tila salaming metal na elevator, kitang kita ko ngayon ang pagtitipa ni Reed sa phone nito. He was busy scrolling, chatting or texting, I don't know. Basta abala siya. Panaka-naka rin ang pagkibot ng labi niyang hugis puso. And I can't imagine hanggang ngayon na naglapat ang mga labi namin kagabi lang. Siguro, kung sa ibang pagkakataon, ipinagsigawan ko na sa mga tao na nahalikan ako ng isang sikat na modelo at aktor ng bansa. Wala sa loob na napahawak ako sa sariling labi. Batay sa kilos nito, mukhang wala lang naman sa kanya ang nangyaring halikan kagabi. Masiyado ko lamang dinidibdib dahil nga unang halik ko 'yon at importante sa akin 'yon. Sa dami ng nakasama nitong magagandang babae sa shoot at taping, baka nga nakalimutan na niyang hinalikan niya ako. I know, it was unmemorable for him. Ayaw namin ang isat-isa kaya mas mabuting kalimutan ko na nga lang siguro 'yon at i-take na lamang as my experience. Kung tutuusin, hindi na rin masama sa parte ko kahit kinamumuhian namin ang isat-isa. Bumukas ang elevator sa tenth floor. May dalawang lalaki na pumasok. Naka-suit and tie at may hawak na kape ng starbucks. Tumingin sila sa akin at saka ako pinagitnaan. Nasa harapan ko kasi ang mga bagahe ni Reed. Tahimik pa rin naman hanggang sa bumukas muli ang elevator at pumasok ang may katandaang lalaki. Pero bago iyon ay pinasadahan muna niya ako ng tingin mula mukha na huminto hanggang sa harapan ng dibdib ko. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago ngumisi. Nakakakilabot ang pag-aasta nitong iyon. Sa likod ko pumwesto ang matanda kaya naman sobrang hindi ako naging komportable sa kinatatayuan. Ganito pala ang pakiramdam kapag napapalibutan ka ng mga lalaki. Napansin kong napakarami pa lang floor ng building na 'to. At ang pananatli sa loob ay parang naging habang buhay sa akin. Maya-maya ay nag-usap ang dalawang lalaking na naka-suit and tie. They were talking about their schedules and meeting. Nakagaan naman iyon para sa akin dahil nababawasan ang pagiging uncomfortable ko sa pwesto. Kaso nga lamang, nagsimula akong makaramdam nang paghaplos ng kamay sa bandang pwetan ko. Pinanlakihan ako ng mga mata. Shit! Tapos biglang umuga ang elevator dahilan para magkagitgitan kaming apat. Dumiin sa likuran ko ang katawan ng matanda na may kasamang pagtama ng p*********i nito sa balakang ko. Gusto ko'ng magmura at sapakin ito pero ako pa ang nahihiya kung gagawin ko 'yon. I felt sexually abused kahit nagmukhang aksidente lang 'yon. I know, intentional na ginawa iyon ng matanda. Akala ko ay matitigil na iyon matapos huminto at lumabas ang dalawang lalaking naunang pumasok ngunit hindi pa rin pala. Sa naulit na pagkakataon kasi ay pumasok na sa shirt ko ang kamay ng matanda. Naalarma na ako. Sobrang bothered na ako sa sitwasyon. Sinilip ko ang repleksyon ng matanda sa salaming metal ng elevator at doon nga ay tanaw ko ang malaswang titig sa akin ng matanda mula sa likuran. Binalingan ko si Reed pero tila wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa paligid dahil abala pa rin ito sa pagkalikot sa phone. Gusto ko'ng humingi ng tulong sa kanya pero alam ko namang hindi ako tutulungan nito. Kahit nga yata ma-rape ako sa harapan niya ay hindi pa rin ako nito pagaaksayahang daluhan ng tulong. Sarili lamang nito ang importante sa kanya. Wala ng iba pa. Pumikit ako nang taimtim. Huminga ako nang malalim at humugot ng tapang. Handa na sana akong sampalin ang manyak na matandang nasa likuran nang bigla na lamang itong tumumba sa gilid ko habang duguan ang ilong. “Hala!” Nasapo ko ang bibig sa kabiglaan. Napa-atras pa nga ako nang bumula ang dugo sa bibig nito. “Susmaryusep! Ano ho'ng nangyari sa inyo?” Ewan ko pero imbis na matuwa ako ay natakot ako sa nangyari sa matanda. Umandar ang pagiging matulungin ko kaya dagli ko itong dinaluhan at tinulungan. Pinunit ko ang dulo ng damit ko at itinapal sa ilong nitong nagdudugo. “Idedemanda kita!" nagawa pang sigaw ng matanda habang nakaduro ang daliri direksyon ni Reed. Doon ko napagtanto na si Reed ang may gawa ng matinding pinsala sa matanda. Pero bakit? Nilingon ko ito. Madilim ang mata nito sa akin pati na rin sa matanda. Nanggigigil na kinagat ni Reed ang ibabang labi bago hinatak ang siko ko palayo sa matanda. Nakakatakot ang dilim na iyon na animo'y pinupugaran ng baguhang bagyo. Hinarap niya ako sa kanya at saka pinunit ang damit ko rason upang lumantad ng kaunti ang lace ng bra ko. Napanganga ako sa ginawa niya at natuod. Matapos iyon ay binuksan niya ang zipper ng bagahe at naglabas ng isang coat. Ipinatong niya iyon sa balikat ko bago ginulo ang buhok ko. Tigagal naman ako sa ginagawa niya. Pinicturan pa nga ako. Nang makunteto ay bumaling siya sa matanda, suot ang nakakalokong ngisi. “Hinahamon kitang gawin ang sinabi mo, matanda. Idemanda mo ako dahil sinapak kita," si Reed na naghahamon sa matanda sabay pakita ng litrato ko sa phone nito. Nasipat ko ang itsura ko sa litrato na mukhang ginahasa ng sampung demonyo. Nakita ko'ng napalunok ang matanda at hindi na nakaimik. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng dugo sa ilong nito. Bumukas ang elevator sa fifty-seven floor kaya hinatak na ako ni Reed palabas doon. “Sandali, paano iyong matanda? Duguan siya,” saad ko na pilit kumukawala sa hawak nito. “Are you stupid? Balak mo pa talagang tulungan ang lalaking nangharass sayo?” akusa nito. Matigas ang panga nitong tinuro ang elevator. So, alam pala nito? Akala ko ay patay malisya lang ito kanina. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko lang naman na baka mag-cause ng gulo ang ginawa nito sa matanda. Physical assault iyon kapag itinuloy ng matanda ang kaso. Kilalang tao pa naman si Reed at baka makasira iyon sa image niya. Makakaladkad pati ang pangalang dala-dala niya. Pati si Mommy Eula at Daddy Frank, damay sa gulong ito kung sakali. “K-Kasi. . . matanda na 'yon. Baka mapano at—” “Damn it. Bahala ka nga sa buhay mo. Palibhasa, gusto mo rin ang ginagawa ng tarantadong 'yon." Gigil niyang binitawan ang kamay ko. Tinalikuran na ako nito at nauna na namang maglakad. “Hoy! Bakit ka ba nagagalit? Ikaw ba ang hinarass? Ako naman 'di ba?!” Nabuhay na naman ang iristasyon ko sa masamang pag-uugali nito. Tumigil ito sa paglalakad at muli akong hinarap. “Ah, e 'di inamin mo rin na gusto mo nga? Hindi ko akalain na ganoon pala ang mga gusto mo'ng lalaki? Hinahayaan mo lang na hawak-hawakan ka? What a shame.” At tuluyan na nga ako nitong iniwan roon. Kahit paano ay nainsulto ako sa sinabi nito. Hindi naman ako tulad ng iniisip niya pero iba pa rin pala kapag narinig mo na iyon sa ibang tao. Sadyang hindi lang tama na iniwan namin iyong matanda sa elevator nang hindi man lang dinadala sa ospital. “Gago talaga," bulong ko sa sarili. Napatingin naman ako sa sarili ko. Gula-gulanit ang suot at magulo ang buhok. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga taong dumadaan sa palapag na 'to. Naghanap ako ng banyo para ayusin ang sarili ko. Binalikan ko sa elevator iyong mga bagaheng naiwan at pinakisuyo ko sa gwardiya na ibigay kay Reed kung sakaling maghanap ang gagong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD