“CUT! Good take, Reed and Vitto!” Pumailanlang ang sigaw na iyon ng direktor sa dalawang lalaki na nakasalang ngayon sa panibagong sequence ng binubuong palabas. It was a sunny day at talaga namang nagsasapawan ang ulap at araw. Sinabayan pa ng preskong hangin. “Okay, magpahinga na muna ang lahat ngayong araw at magliwalil. I-enjoy niyo lang ang pag-stay dito. Napakaganda ng lugar para pasyalan,” dugtong pa'ng sabi ng direktor. Mabilis na tumakbo ang assistant ni Vitto na kanina lamang ay nasa tabi ko. Aligaga nitong pinunasan ang mukha ng amo at saka inabutan ng tubig. Halos lahat ng personal assistant ay ganoon ang ginawa sa iba pa'ng supporting actor na naroon. Namumukod tangi si Reed na nag-iisa sa gitna na wala man lamang nagaasikaso dahil nga nakatanga pa rin ako sa kinatatay

