Tristan NAAMLIMPUNGATAN ako nang biglang umuga ang sinasakyan kong eroplano at iyon pala ay nag-land na. Agad akong napasilip sa bintana dahil nasa window seat ako at tama nga na nandito na ako sa destinasyon ko. Lulan ako ng eroplanong naghatid sa amin dito sa Heathrow Airport London upang sundan ko si Georgette. Yes! I am here to see her and bring her back to my place. Desidido na ako kahit alam kong galit na galit pa rin siya sa akin at kinasusuklaman ako. But I really love her and I want to fight my love to her even it’s impossible for her to accept my apology. Ilang sandali lang ay huminto na ang eroplano at nag-announce na rin ang steward na pwede ng tumayo upang kunin ang mga bagahe namin. Since nasa business class ako ay madali naman ang pagkuha ng luggage ko. Nakikipagsapalar

