Jean Nethalie Clave I am so very thankful for this productive day when I am finally met my daughter and my ex-husband. Sinadya ko pa ang tumungo rito sa London para personal na kausapin sila. Alam kong marami akong dapat ihingi ng tawad sa mag-ama ko sa pag-iwan ko sa kanila at pinili ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi puro na lang kasamaan ang idinulot sa mundong ito. Nagising na lang ako sa katotohanan na mas gusto ko talagang makasama ang mga taong iniwan at tinalikuran ko noon. And now, isang malaking pagsisisi ang tinanggap ko sa sarili ko dahil iyon naman talaga ang tama. Tawagin niyo na ako sa kahit anong pangalan. Makati, malandi, haliparo’t na ipinagpalit si Jeron kay Jaime. Nasilaw lang ako sa makamundong gawain at pera kaya heto ako ngayon na labis na ang paghingi ng

