Eight months later… Tristan… “Are you sure you can do it? Mukhang hirap na hirap ka diyan sa ginagawa mo,” asar sa akin ni Kameron nang dumalaw ito kasama nina Trina, Raven at Kreisha dito sa London. “Nagpunta ka lang ba rito para asarin ako? Hindi mo yata alam na nag-aral din ako ng automotive,” pagmamayabang ko pero kanina pa ako nahihirapan sa pagkabit nitong mga crib sa nursery room ng magiging mga babies namin ni Georgette. “Ayan ka na naman sa pagiging mayabang mo, unggoy ka. Ang kuripot mo talaga, ‘no? Pwede ka namang bumili ng buo na para sa mga babies hindi iyong ikaw pa ang mag-assemble,” wika naman ni Raven. Nakasandal lang siya sa gilid ng pinto at nakapamulsa. “I’ll help you. Baby lang yata ang kaya mong gawin hindi itong crib.” Hindi siya nakatiis na tulungan ako kaya n

