“Where have you been?” Napatigil ako sa paghakbang nang maulinigan ko ang boses ng aking ama na kasalukuyang nasa sala. Gabi na ako nakauwi ng aming bahay dahil may dinaanan pa kami ni Tristan. Ang inakala ko ay wala akong madatnang anino ng aking ama dahil tahimik ang kapaligiran ngunit hindi ko inaasahan na naroon pa pala siya at tila hinihintay ang pagdating ko. Sinulyapan ko ang daddy na tila pormal lang at hindi ako nagpahalata. “Uhm, bakasyon. You know that already, right?” Mariin lang siyang nakatitig sa akin habang may bitbit siyang rock glass na may kaunting lamang alak. “How’s your vacation?” kalmado niyang tanong. “It’s fine, dad. I need to go to my room and take a rest.” Marahan din akong naglakad palapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. “Good night, Dad. Nakapag-di

