"Damn." I mumbled, nahihilo na naman ako. Ang sakit ng ulo ko. Hindi pwedeng matulog na ako, kailangan ko pa tapusin 'tong activities ni Zydrix. Napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at tinungo ang kusina, magkakape muna ako para kahit papano ay hindi ako antukin. Malapit na ang finals, malapit na rin ang defense nila Zydrix sa capstone project nila. Alam ko naman na kayang-kaya n'ya 'yon, pero kinakabahan pa rin ako para sa kanya dahil marami s'yang iniisip at inaasikaso. "You're still awake." Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang marinig ko ang boses n'ya. "Uhm, yeah. Y-you're home,” halos pabulong na ang pagkakabigkas ko nun. Dahil sa capstone project n'ya ay madalas hating gabi or madaling araw na s'ya nakakauwi. Minsan pa nga ay hindi na s'ya nakaka

