What a mess, lumabas muna ako at nagpahangin bago pumasok sa loob ulit. Busy si Diego kaya hindi ko na ginulo, we're here for business after all. Unti-unti na ring nagsi-uwian ang iba, hanggang sa kami-kami na lang ang natira rito. Nagpaalam ako kay Diego na pupunta ako ng powder room, I want to breath kasi feeling ko nasu-suffocate ako sa mga titig ni Zydrix sa akin. Nag retouch ako dahil feeling ko stress na stress na ang mukha ko. Inilugay ko na rin ang buhok ko, medyo kulot na s'ya dahil sa tali ko kanina. Bagay pala sa akin pag medyo curly ang hair ko, ipa-permanent ko na kaya? Ay, pag-iisipan ko muna nang mabuti, baka magsisi ako e. "Let's go, Ella." Aya ni Diego nang makabalik na kami. Medyo tipsy na s'ya. Tumango naman ako at nagpaalam sa kanila, napatingin ako kay Zydrix, but he

