Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo sa gate ng mansion ng mga Sebastian. Dito na kase ako dumiretcho pagkagaling ko sa Porta Inferi. Tinanong pa nga ni Mang Jay kung bakit ayaw kong pumasok. Sinabi ko nalang na may iniisip pa akong mahalagang bagay. Totoo naman kase iyon. Tinitimbang ko pa kung sasabahin ko na ba talaga kay Maria lahat lahat. Iniisip ko kung anong magiging reaksyon niya. Sigurado na masasaktan siya. Magagalit siya sa akin dahil nagsinungaling ako sa kanya umpisa palang. Ayoko siyang masaktan ng dahil sa akin pero kailangan na niyang malaman. Sabi nga ni Miss Cassandra. Kailangan niyang malaman dahil karapatan niya iyon bilang isang matalik kong kaibigan. Pero hindi ko talaga alam ngayon kung paano ko sasabihin. Unang una iyong pagiging agent ko at ang pinak

