"Where is he?" seryosong tanong ko sa mga executive secretary at executive assistant nito na si Miss P at Arthuro. Sabay na nagkatinginan iyong dalawa at napapitlag ng may magsalita sa intercom na naroon. "You can come in, Mikhael." narinig kong sabi nito sa intercom. I sighed at dirediretcho akong pumasok sa private office nito. Bumungad agad sa akin iyong berde niyang mga mata. Tapos nakataas iyong dalawa niyang paa sa table niya. Mukang alam naman niyang pupunta ako at talagang wala siyang nakatambak na papers works. Hindi ko alam kung nagtratrabaho ba talaga siya o ano. O wala lang siyang mapaglibangan ngayon kaya ako ang libangan niya. Kami ni Rizza Mae, actually. "What brought you here, my Dear friend?" nakangising tanong nito at umayos sa pagkakaupo tapos may kung anong pinanun

