Kabanata 22 Valerie pov “O my God,” bulong ko nang maalimpungatan. “Anong oras na?” Mabilis akong umupo sa kama, handang bumangon, pero bigla akong napahinto nang maramdaman ko ang isang braso na mahigpit na pumalupot sa baywang ko. Napabuntong-hininga ako at bumalik ang tingin sa lalaking nasa tabi ko. Si Kazuki. Nakapikit pa ang mga mata niya, pero alam kong gising na siya. Kilala ko na ang ugali niyang iyon magpapanggap na tulog para hindi ako makaalis agad. “Mister, wait lang. May seminar pa ako,” mahina kong sabi habang sinubsob ang ulo ko sa balikat niya. “Kailangan ko nang bumalik sa room namin.” “Five minutes, please,” bulong niya, paos ang boses na puno ng antok. “Kazuki, baka malate ako,” giit ko, pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin, na para bang natatakot siyan

