EPISODE 14: BE MY PARTNER "Pogi, gumawa ka naman ng paraan! Kayo may-ari nito, hindi ba?" taranta kong pahayag kay Danerie habang sinusubukan kong buksan ang pinto. "Why are you so nervous? It's just tonight." Lumingon na ako sa kaniya at sinamaan ito ng tingin. "At talagang payag ka na dito tayo matulog sa sobrang lamig na rooftop na wala manlang pwedeng ihian at paliguan?” “There is,” maikling tugon niya sa’kin sabay turo sa bandang likuran ko. Hindi ko napansin na mayroon pa lang comfort room dito sa rooftop pero hindi pa rin iyon rason para gustuhin kong tumigil dito ng isang buong gabi. Marami pa kasi akong kailangang gawin at isa pa, hindi pa kami maayos ng kapatid ko. Baka kung saang lupalop na naman ng mundo ‘yon ngayon. Mga ilang minuto na rin ang nakakalipas at parang tan

