EPISODE 23: SELOS NA BA YAN?? Today is the day! Ngayong araw ang flight namin nila Miss Venus at Danerie papuntang Siargao. Ako na yata ang pinaka-excited na tao sa balat ng lupat dahil maliban sa hindi pa ako nakakasakay ng eroplano, hindi pa ako nakakaalis sa lungsod na 'to. Isa talagang malaking bagay itong byahe namin kahit na puro lang siya trabaho. "Hey Joy, what's the update on Venus? Is she coming already?" Napa-iling naman ako kay Zelan habang nakatingin pa rin sa cellphone ko. "Hindi pa rin, Zelan. Kanina ko pa nga siya tinatawagan pero hindi pa rin sumasagot." "That's really bad. Sir Danerie is coming and the flight is in thirty minutes. Anong gagawin natin?" taranta nitong usal. "Nako, huwag kang kabahan. Malakas naman 'yang si Miss Venus kay Danerie--este Sir Danerie ka

