Flashdrive Celestine's POV Nakataas lang ang kilay ko habang ang dalawang bisig ay magkapatong. Taka kong tinitignan ang kaibigan ko habang inaantay ang mga sasabihin nito. Pareparehas kaming nag-aantay sa sasabihin nito. Tilang nag-aalanganin pa nga kung sasabihin nito sa amin ang nalalaman nitong balita. Tungkol ba saan iyon? "Tang!na naman ni Reed, e. Oo na! Sasabihin na! Ang epal naman kasi." Nagkamot pa ito ng ulo bago kami hinarap. "If you could just tell them already, edi sana-" sabi ni Reed para matuloy na ang sasabihin ng kaibigan ko. "Shush! Tama na! Ito na nga e, ang kulit!" Napahilot na lang ako sa aking sentido nang bigla na lang pinigilan ni Ally si Reed magsalita. Para silang mga aso't pusa. Ganyan kami nagsimula ni Ryder. Hindi kaya sila talaga? "What is it Ally?

