"Ms. Ricalde you have a meeting with Mr. Azucena, mamayang mga 2:00 pm po." Sabi ng sekretarya ko habang naka tingin ito sa kanyang relo, na naka posisyon sa kanyang pala-pulsu-han. Nag lalakad na kami pabalik sa aking opisina marahil ang ilang buwan naming pinepara para sa tagpuang iyon, ay natapos na rin sa wakas.
"Cancel that appointment, may pupuntahan ako ngayong hapon na mas importante pa dyan." Ayos ko sa itim kong damit na sakto sa hubog ng aking katawan; mero'n rin ang itaas na parte nito na v-shaped cut kung saan ang gitnang dibdib ko ay sumisilip na sa b****a nito.
Huminga ko nang malalim na malalim at iniisip ang sinabi sa akin ng aking sekretarya. After so many years, I still don't want to be with him, even for a short amount of time. Because I know, that he's still the same guy, a jerk.
A playboy.
"But, Miss, magagalit si Mr. Ricalde pag pina-cancel niyo na naman 'to for the third time." Tinaas ni Macy yung eyeglasses niya dahil muntikan na itong mahulog sa pagbiglang hinto ko sa harapan niya.
Of course, my dad will get mad about this. Lalo na at ang tinatanggihan ko ay isa sa mga anak ng kanyang matalik na kaibigan.
"I don't f*****g care, Macy. Just get rid of that and let me get out of this place at peace," sabi ko sa kanya ng lumiko na ako sa hallway. "Hindi ko na problema yon, ikaw gumawa ng dahilan," Pahabol ko pa.
I'm used to this, all eyes on me while I'm walking in this hallway. Since they were intimidated by my presence and and the reason of it is I am their boss.
Well, just an acting one.
I took a glance at my secretary and I could tell that she is not at ease.
Nagpakawala ako muli ng hininga bago harapin ang babaeng nakasunod sa akin; tila bang may sumusunod rin rito dahilan kung bakit siya kinakabahan.
"Look, Macy. Relax your muscles and tell them later pag wala na ako rito sa building, okay? And besides, ipipilit lang naman ulit nila ang arrange marriage na iyan," taas kilay kong sabi rito bago tumalikod muli at maglakad patungo sa aking opisina.
"But, ma'am-"
Hindi ko na pinansin ito dahil naisip ko na baka masyado lang talaga siyang praning at iniisip ang lahat ng mga bagay.
Speaking of pag-iisip ng mga bagay, talaga bang hindi titigil ang lalaki na iyon?
I cannot believe that I used to love that guy.
Maski sa aking isipan ay napapabuntong hininga na lang ako nang maisip na pati si dad ay pabor sa gustong mangyari ng lalaki na iyon.
I'm not fond of arranged marriage, ginagawa lang nilang bilanggo ang mga nararamdaman ng mga ikakasal dahil lang sa negosyo na mero'n sila.
I find it ridiculous actually, they think it will enhance their business; oh well, some of them may have succeeded but some people are really not that lucky, you know.
Well for my case, my company is the one that's failing, pero kahit na gano'n na ang nangyayari, ayoko maging sunudsunuran sa gusto ni Dad. Kalokohan lang na ipapahamak ko na naman ang sarili ko kung papasok na naman ako sa ganoong sitwasyon.
I know myself too that I can handle such case without any help.
"Ma'am Celestine nan-" Hindi ko na narinig ang sinabi ni Macy nang makapasok na ako sa opisina ko, with my mouth half open.
"Goodmorning Porsch," sabi ng lalaking naka-upo sa swivel chair ko na talaga namang nakataas pa ang mga paa nito sa lamesa kung nasaan ang mga papeles na tinatrabaho ko.
Great, how can I escape from him now?
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko para sa taong ito tuwing nagkikita kami. Galit?
I don't know.
Maybe.
Sumunod si Macy na nagmamadali na tilang natatakot sa reaksyon na maaari kong ibuhos sa kanya. Marahil bakas rin sa aking mukha ang gulat at pagtataka, kung bakit ganoon na lang kadali sa lalaking ito na makapasok sa aking opisina nang hindi ko manlang nalalaman.
"Ma'am I tried to tell you po na nandito na po si Mr. Ryder pero pumasok po kayo agad. Hindi niyo rin naman po ako pinatapos sa nais kong sabihin kanina," dahilan nito bago ko lingunin lang si Macy at harapin ang lalaki na nakaprenteng upo sa aking upuan.
Brooklyn Ryder Azucena.
"What are you doing here, Ryder?" Nilingon ko si Macy para umalis na siya sa opisina ko at iwan kaming dalawa rito sa loob.
The man I used to love.
Yumuko ang aking sekretarya at kumaripas na nang lakad patungo sa pintuan upang iwanan na kami at makapag-usap na rin ng mapayapa.
Nilingon ko ulit ang lalaking nasa harapan, nakangisi lang ito habang ang paningin nito ay nananatiling nasa akin.
The first man who broke my heart.
Nakapamewang lang ako sa kanyang harapan, 'di pinapahalatang meroong di magandang nararamdaman.
Tumayo ito at pumunta sa aking likuran at bumulong na lang bigla ng...
"After giving in to me you're going to pretend that nothing happened? You even manage to avoid me for the past few days, why? Are you scared of falling?" he smirk right at me nang tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.
The man that I am not scared to fall into, back then.
But then again, am I scared to fall again?
No. Dahil hindi naman iyon mangyayari ulit.
He's looking down at me at mukhang tuwang tuwa siya sa mukhang pinapakita ko sa kanya.
Is he insane?
"I will not giving in Ryder, and if I'm going to, what comes to your mind to think I'll give myself to you? Never in a million years, jackass." Tulak ko rito upang palitan ito sa posisyon nito kanina. "And for you to know Mr. Azucena." Harap ko sa kanya at mariin na tinitigan ang kanyang madilim na mga mata, "I already fell," dagdag ko at ngiti sa kanya ng matamis. "Hindi nga lang sa 'yo," pag tatapos ko pa sa nais kong iparating sa kanya.
You want to joke around? Fine, let me play with you.
Hahayaan ko na isipin niya na gusto ko pa rin ang kanyang nakakatandang kapatid matapos magdaan ang ilang taon.
You want to play a game, again? Really, Mr. Azucena? Aren't you getting older?
May kinuha siyang papel na galing sa folder na nakalapag sa sofa ng office ko at tilang lihis ang ipinapakita ng kanyang paningin at ng kanyang mga ngiti.
His eyes are dark and yet his smile is still holding a joke or a game behind it.
"Kung gano'n, kanino? Sa duwag kong kuya? Na hindi 'man lang panindigan ang business na dapat na siya ang humahawak?" igting naman niya sa panga niya habang ang mga labi ay nananatiling naka ngiting madiin.
I shook my head, dismissing the topic that he opened.
Where's Abegail anyway? Wala akong napapansing mga mata na nanglilisik habang nakatingin sa 'kin.
Ang sekretarya niya na kung minsan ay nagiging kalaro niya sa kama.
"I assume that you're wondering, where my secretary might be?" nakangisi na siya sa 'kin habang nilalapag niya sa lamesa ko ang papel na kinuha niya sa folder niya kanina.
What a bipolar person he is.
Umirap ako sa kawalan at ipinagpatong ang aking mga braso habang ipinatong rin ito sa lamesang nasa harapan.
"I fired her, kasi yung isa diyan, bago niya raw i-sign yung contract, I should fire her first before she could agree to my proposal. Nakakatuwa lang dahil harap-harapan niya pa itong sinabi sa sekretarya ko," ngisi niya sa 'kin after licking his reddish lips.
"Oops my bad, what I mean is ex secretary. Keep your chill because you might get jealous," he's tapping my table using his fingers, ang ingay lang na nang gagaling doon at ang aircon sa opisina ko ang ingay na maririnig sa loob.
Ang posisyon nito ngayon ay nasa harapan ng aking lamesa, habang ang dalawang mga kamay nito ay nakatukod sa magkabilaang parte ng pinagpapatungan ng aking mga braso.
I can feel that the air in my office is thinning due to the gap between his face and mine.
Tinignan ko ang papel na nakalapag sa lamesa ko.
Agreement.
Nakasaad doon na magpapakasal or should I say magpapasakal ang kabilang partido na pumirma rito upang masagip ang nalulubog na nitong negosyo. Kung hindi man raw ito sumunod sa mga nakasaad ay maaari na ito pa ang magiging dahilan ng lalong pagbagsak nito sa industriyang kinatatayuan.
As if magagawa niyang pabagsakin kami, my dad and Mr. Westly are great pals, hindi hahayaan ni tito West ang ganoon.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan kong may pirma ko na roon. Lalong lalo na ang pirma ng sarili kong ama.
Fuck.
"So, shall we plan the wedding tomorrow? Or you want to plan it now?" Lapit pa ng mukha nito sa akin.
Great, how did I get to this agreement?