Breaks Hindi rin ako tumuloy noong hapon na iyon. I didn't bother to push this papers that time. Masyado akong takot kaya pinagpabukas ko na lang. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin ng compact powder ko. Ang puso ko ay masyadong kinakabahan habang naglalakad rito sa hallway ng building nila. Maraming nakatingin but, I'm not bothered by it. Sanay na ako. Ang tanging hindi ko lang mapigilang mapuna ay ang mga salitang nang gagaling sa mga bibig ng mga empleyado nila rito. "Ang init lalo ng ulo ngayon ni sir, no?" "Panong hindi iinit ulo ang kulit ng iba! Nang hihingi agad ng bonuses ngayong pasko." "Anong petsa na rin kasi." Iilan iyan sa mga narinig ko kaya naman ay napakunot na lang ako ng ulo bago dumiretso sa pintuan ng opisina ng boss nila. Hindi na ako pinahinto o pinag-a

