Humiga ako sa kama sa tabi ni Ally nang maitulak ko na siya sa tamang posisyon. And then, I stared at the ceiling. Ilang minuto pa akong nakatulala roon bago ko maramdaman ang bigat ng talukap ko. Nagising ako ng isang bahagyang pagyugyog sa braso ko. May naamoy rin akong kape sa paligid kaya naman iminulat ko na ang mata ko para makita kung saan nang gagaling iyon at kung sino ang gumising sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay mukha agad ni Ally ang nakita ko. May hawak siyang tasa ng kape habang ang buhok niya ay naka messy bun. Bumangon ako at tinignan ang orasan sa may suite na iyon. Its 4:30 in the morning, and here she is. Ginising ako sa matinong pagkakatulog ko. "Why did you wake me up?" binigyan ko siya ng isang masamang tingin para naman malaman niyang hindi maganda ang gisi

