TWENTY THREE

4652 Words
Sink Nandito kami ngayon nila Blair sa building three. Tapos na ang exam week kaya tamang chill lang kami ngayon dito. As usual kami lang ang naroon dahil nga sa bakante ang mga silid na naroon. Hindi namin alam kung bakit pero hindi na iyon mahalaga sa amin marahil nakikinabang naman kami. Hindi na rin first time nila Blair dito. Paminsan-minsan ay nadadaan sila pero hindi sila nananatili. Tsaka lang nung mga naging magkakaibigan na kami dahil sa training namin noon para sa tournament. Nagkalat ang mga pagkain sa pwesto namin dahil gutom na daw sila. Lalo na si Ally. Mukhang dinadaan niya nga ang inis at galit niya roon sa pag kain ng mga burger at fries. Still, we did not know what she's angry for. Dahil hindi naman siya nag kukwento. She's not even that open to me anymore para mapagsabihan niya ako ng mga problema at secrets na napagdadaanan niya ngayon. So I'm thinking that this is a big thing for her. So I won't push it. Magsasalita naman iyan kung gusto niyang ipagsabi sa amin iyon. We respect her privacy so we will stay silent. Lalo na akong best friend niya. She's a strong woman though, so I know she'll handle her problems with her own hands. "Paabot nga nung juice. Nabubulunan na ako," reklamo ni Ally sa amin kaya naman natawa kaming iabot iyon sa kanya. Nakakunot na ito habang tinatampal-tampal pa ang sariling dibdib. Kita na rin namin ang bahagyang pagluha nito. "Ayan! Hindi kasi porket malaki, isusubo mo na!" Palo pa ni Blair ng malakas sa likod ni Ally. "Pa'nong hindi naman kasi isusubo ni Ally yan, ang sarap kaya niyan!" Prenteng sandal ni Shena sa pader. Sa amin kase ay si Blair, Ally, at Shena ang mga nakaupo sa puting tiles ng building. Mas komportable raw sila roon kaya mas pinili nilang umupo sa malamig na sahig ng gusaling iyon. Hindi tulad namin ni Mariz na nandidiri pa dahil iniisip namin na hindi naman gaanong pinagtutuunan ng pansin ang gusaling ito para naman malinisan nila ng masinsinan. "Juicy pa!" Turo ni Mariz sa footlong na kinakain ni Ally kanina. Puro jumbo ang mga inorder nila Blair kanina. Kaya puro malaking burger, footlong and fries ang mga naroon. Mga sexy pero malalakas kumain. "Tamo may puti pa sa gilid ng labi," ngisi ko habang inaabutan si Ally ng tissue para mapunasan ang parteng iyon na nalagyan ng mayonnaise. Nagtawanan kaming lahat pwera kay Ally na nakasimangot. Pa'no kasi ay nasaar na naman namin siya. Natigil ang tawa ko ng pareparehas kaming nakarinig ng ingay mula sa baba. Ang daldal nito kaya halos pare-pareho kami napa-kunot bago silipin ang taong dumadaan sa baba. Nakita namin si Winona na nakabuntot kay Ryder. Marami itong sinasabi pero hindi manlang iyon pinansin ng lalaking nauuna sa paglalakad. Kahit isang tingin ay hindi niya ito ginawaran. Halos lahat kaming lima ay napanganga nang bigla na lang huminto sa paglalakad si Ryder at lingunin ang babaeng sumusunod sa kanya. Nakakunot ang noo nito at tilang binibigyan pa ang sarili ng oras para kumalma bago magsalita. "What can I do to make you quiet?" madilim lang ang mga mata nito habang nakatutok ito sa isang babae na hindi manlang alam kung ano na ang gagawin niya sa sitwasyong kinabibilangan niya ngayon. "H-huh?" she stuttered while trying to move back because Ryder is pacing forward. Dahan-dahan ito sa paghakbang habang ang mga mata ay naniningkit. "I don't like repeating what I've said Miss Flores," sabi nito habang gumagalaw pa rin papalapit kay Winona. "U-uhm ah, well," sa pagkakataong ito ay napasandal na siya sa isang matayog na puno. Hindi na namin gaano silang maaninagan. Tanging ang mga braso na lang nila pababa ang nakikita namin dahil sa mga dahon na naka harang. Pero sa pwesto nilang iyon ay masasabi mong malapit nga ang mukha nila sa isa't isa. "I'm losing my patience here." Feeling ko, ako na ang nangangailangan ng juice ngayon gayong hindi pa ako nakakakain ng kahit ano simula pa ng makabili kami ng pagkain. "Show me some affection. That will do, Rookie." What? Rookie? Naninikip nanaman ang dibdib ko ng wala man lang kaming narinig na kahit ano kay Ryder. Nanatili lang ang katawan niyang nakadikit sa katawan ni Winona. Tsaka ko lang na pagtanto na may magandang nangyari ng bigla na lang naglakad paalis si Ryder habang bakas na bakas ang kasiyahan sa mga labi ni Winona habang sumusunod. T-they, kissed? "Pupusta ako, hinalikan yan! Nanahimik e." Tayo pa ni Blair bago lumapit at dumantay sa railings para matanaw ang kakaalis lang na si Ryder at Winona. Ang natirang tatlo naman ay nanatili ang tingin sa akin. Ngumisi akong hilaw sa kanila dahil hindi ko alam ang ire-react ko matapos ko iyon masaksihan. Am I, hurting? Why? "B-bakit niyo ako t-tinitignan ng g-ganyan?" Hindi manlang nakatakas sa kanila ang bahagyang pag piyok ng boses ko dahil sa nagbabadyang pagluha na ng mga mata ko. Maya-maya pa ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kaya hinayaan ko na lang na gumulong pababa ang mga luha na sinubukan kong pigilan. Dahil hindi ko naman dapat ito nararamdaman at nararanasan! Niyakap ako ni Shena at ni Mariz habang si Ally at Blair naman ay nakatayo at nakahalukipkip. Nakakunot na ang noo nilang dalawa habang pinagmamasdan ako. "B-Bakit ako n-na iiyak? I shouldn't be!" Yakap ko pa kay Shena dahil siya ang nasa gawing harapan ko. Pinaypayan pa nila ako habang inaabutan ng tubig. Si Mariz naman ay patuloy lang sa pag-alu sa akin. Hindi ko alam kung nakakatulong ba iyon pero parang mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko dahil roon. "I didn't even like him for Pete's sake!" sigaw ko pa after ko makainom ng tubig na inabot ni Blair. "Because you're starting to love him you furry s**t!" inis na sabi sa akin ni Ally habang nagsisimula na siya sa paghilamos ng mukha niya gamit ang kanang kamay nito. "Tanginang lalaking 'yon. Human-" inis niyang dinugtong na pinutol ko kaagad. Bakit niya naman susugudin ang taong iyon kung hindi naman klaro sa simula pa lang ang ginagawa niya? He's just taking care of me because that's want my parents' want him to do! "No, Ally. Walang namamagitan sa amin!" Wala nga ba? "Kahit na! He tried to get you!" Duro niya pa sa daan kung saan pumunta sila Ryder kanina pa.  "Komprontahin mo na si Reed. Maybe it can help you to get out in Ryder's sick dirty games." Pagkatapos noon ay umalis na si Ally na agad rin namang sinundan ni Blair. Humingi pa ng tawad si Blair sa amin bago siya umalis. Sinabihan rin naman namin siya na okay lang naman iyon. Nagtagal pa kaming tatlo roon ng mga ilang minuto bago namin mapagpasyahan na magligpit na para maka-alis at makapaglibot sa buong campus para naman may clue kami kung ano ang magiging itsura nito sa gaganaping halloween party. Concert lang naman iyon na puro local bands lang ang tutugtog. Like Ben&Ben, Silent Sanctuary at iba pa. Alam kong dudumugin ang school namin dahil open gate rin kami. Pwede ang mga outsiders pag may mga ticket ito. Makakakuha sila ng tickets dito sa loob mismo ng campus and they'll pay for it sa cashier. Naglalakad na kami papuntang field ng mag-text sila Ally na susunod sila kung saan man kami pupunta, tatapusin lang daw nila ang ginagawa nila roon. Ano naman kaya iyon? Bumungad sa amin ang malaking stage na may mga itim na tela. Mero'n rin itong pang halloween decorations. Panigiradong hindi lang concert ang magaganap dito. Mero'n ring mga booth katulad na lang nung nangyari sa intrams. But this time mas konti lang ang mga booth dahil ang mag hahandle lang ng booths ay ang mga SG officers and volunteers. Ang laki ng pondo nila para lang ma-pull off ang ganitong klaseng event. Siguro kung ako ang nag ha-handle nito ay sa booths pa lang ay ubos na ang pondo. Ngayon na sila naghahanda kahit bukas pa naman magaganap ang party. Naiintindihan ko rin naman dahil malakilaking preparations nga ang kakailanganin para maganap lang ang isa sa mga kinaaantay ng mga studyante. Naglibot pa kami sa paligid noon at nakita ang mga booth. Para kaming nasa perya! Ngayon pa lang ay duda na akong galing lang ito sa pondo ng SG officers! Alam kong may mga sponsors na ito o 'di kaya ay may sagot na ang may-ari ng De Familia! Hindi kase ito kakayanin kung sa pondo nga lang ito galing. Mangha naming tinitignan ang mga rides na hindi pa gaanong buo. May mini roller coaster roon, ferris wheel at iba pang mga basic rides na makikita niyo sa isang perya. Ang mas ikina-excite ko roon ay ang mga booth na mero'n rin sa mga perya. Tulad na lang ang pagputok sa isang lobo gamit ang mga darts. Mga paggamit ng water guns para makabutas ng papel. Paggamit rin ng laruang baril para matumba ang mga bote na naka hilera sa harapan. Tuwang-tuwa pang itinuro ni Shena ang haunted house na hindi pa rin tapos. Mero'n lang itong malaking mukha ng isang payaso kung saan sa bibig niyang nakanganga ka dadaan para makapasok sa loob. Pamilyar ang mukha ng payaso. Napapitik na lang ako ng maalala kung sino ang kamukha nito. Si Mariz. Joke. Si Pennywise iyon. Kaya naman kinilabutan ako nang maalala ang palabas kung saan siya galing. Puno rin ng mga pulang lobo ang magkabilang side ng hauted house. Kaya naman mas lalo lang kaming kinilabutan at lumayo doon. Hindi pa kami nakakalingon sa ibang booth ay bigla na lang kaming ginulat ni Balir at Ally. Nang tignan ko si Ally ay nakangiti na ito at tilang maayos na. May mga dala na nga rin itong ticket namin para bukas. Gabi magsisimula ang halloween party kaya naman mas na-excite sila. Hindi ko magawang magsaya dahil kahit nakakita na ako ng mga bagay na nakakaaliw ay binabagabag pa rin ako ng mga nakita ko kanina. Is it true, Porsch? You're starting to love him? I thought you like Reed? But ang pinag-uusapan dito Porsch ay ang narardaman mo kay Ryder. Pag mamahal iyon! Magkaiba sa gusto na nararamdaman mo kay Reed. Damn! I won't loose hope. This could be infatuation! Yung nararamdaman ko kay Ryder ay isang infatuation lamang! "You okay na?" bulong ko kay Ally ng makatabi ko siya sa pag lalakad. Kaming dalawa ngayon ang nahuhuli dahil si Blair ay kinukwentuhan na ang dalawa tungkol sa nakakatakot na naranasan niya daw noong siya ay bata pa. Tumango lang siya at inakbayan ako kaya naman nakahinga na ako ng maluwag ng maging okay na nga kami. Akala ko ay magtatagal pa iyon. Ayoko paabutin iyon hanggang bukas. We supposed to have fun and I don't like to go kung magkaaway lang kami ng best friend ko. She even asked me if I'm okay too after crying like that kanina. And I told her yes, even we both know that I am not. "Saan kayo nang galing?" Tingala ko sa kanya dahil matangkad ito. Sa aming lima ay siya at si Blair itong pinagpala sa height. Ako naman ay may kaliitan pero nagiging mukhang matangkad dahil sa pagiging long legged ko. "Sa cashier malamang kaya nga meroon na tayong tickets diba?" Taas kilay niyang tingin sa akin bago ako irapan. Kinurot ko pa siya sa tagiliran kaya naman napadaing siya sa sakit habang may ngisi pa rin sa mga labi. Palabas kami ng campus nang may bigla siyang maalala. Hinarap niya ako at nagpamewang. "Hinahanap ka nga pala ni Jake kanina," sabi niya ng makaalis na ang tatlo. Kaming dalawa na lang ang narito dahil inaantay pa namin ang sundo niya. Hindi ko na rin magawang magpasundo kay mang Edong dahil nasanay na rin siguro ako na nakikisabay ako. Ayoko na rin naman masyadong abalahin si mang Edong dahil alam kong hindi lang naman pagiging driver ang inaatupag nito. Minsan ay tinutulungan niya sila manang Gretha sa bahay. O 'di kaya naman ay umuuwi sila sa kanila para tulungan ang mga apo'ng naiwan sa kanila. "Huh? Bakit? Nandito siya?" taka kong tanong habang ang paningin ko ay bigla na lang napatingin sa kanya. Kanina kasi ay tinitignan ko ang papalubog na araw. "Ngayon wala! Bumili rin siya ng tickets para sa mga kaibigan niya pati na rin sa kanya." Binatukan pa niya ako kaya napahawak rin ako sa parteng pinalo niya. Nakakalimutan nanaman niyang spiker siya! Pero bakit nga naman ako hahanapin no'n? Ni Jake? E, kasama naman na niya si Ally? Of course Celestine! Si Ally nakasama niya kanina kaya magtataka 'yon kung bakit hindi kasama nito ang matalik na kaibigan ni Ally! Isinabay na naman ako ni Ally dahil wala na naman si Ryder para maihatid ako sa bahay. Busy silang dalawa na magkapatid sa pag-aayos ng party para bukas. Hindi naman sa gusto ko siya makasama. Dahil ayoko naman talaga muna siyang makita. Nakarating na kami sa bahay. Balak ko pa ngang ayain si Ally sa loob but she refused. May gagawin pa daw siya at gusto niya pa raw umuwi sa kanila ng maaga. Mas maaga siyang matatapos, mas maaga siyang makakauwi. I bet its for tomorrow's party. Napabuntong hininga ako dahil naisip kong wala pa akong balak suotin para bukas. Ilang araw na rin akong nag-iisip kung ano ang pwede. Nagtingin na rin ako sa online at nang hingi ng suhestyon sa mga kaibigan ko pero wala akong nagustuhan. They even asked me to do a smexy bunny but I refused. May pinakita pa nga sila sa akin na ganoong costume pero napangiwi na lang ako nang makita iyon. Its showing too much skin! Baka hindi pa ako papasukin sa campus noon! At tsaka baka maboso pa ako sa concert kaya tinanggihan ko ang ideyang iyon. Tapos ngayon ay nagrereklamo ka na wala kang masuot? Nagtanong na lang ako sa iba kong kaibigan if they have a spare costumes but sadly they don't. Kaya naman napagpasyahan ko na tumayo at magtingin sa mga dati ko nang naisuot na costume. Nakalagay lang iyon sa isang tabi sa malaki kong closet. Napangiwi na lang ako nang maisip na ang boring ko naman kung uulitin ko lang ang mga nasuot ko ng costumes dati. It will be really boring kaya naman lumabas ako para uminom muna ng tubig para pakalmahin ang isip ko. Ang dami ko masyadong iniisip! Kasama na roon ang pangyayari sa harapan ng building three. Nakita kaya kami ng dalawang iyon? If they do Porsch they wouldn't do such thing. Katulad na lang ng paghalikan nila sa loob ng campus. But you know Ryder! Kahit saan ay kaya niya iyon gawin! He doesn't have boundaries. Lalo na pag ginusto talaga nito lumandi. Inis kong nilapag ang baso sa sink dahil sa nanaramdaman ko ngayon kay Ryder. "Easy, you could break it." Sabi ng taong nasa gilid ko na pala. Nagulat ako ng makita siyang nandito sa bahay ko. Naka-uniform pa ito kaya halatang galing lang siya sa school tumingin ako sa orasan ko na nasa palapulsuhan ko. Its almost seven. Siguro ay kakatapos lang nila. Bakit siya dito dumiretso? "Why are you here, Reed? May kailangan ka ba?" Ayos ko sa harapan niya dahil nakakahiyang maski ako ay hindi pa nakakapagbihis dahil mas inatupag ko pa ang pag-iisip ng mga ibang bagay. Tulad na lang sa kurimaw na iyon. "Ally texted me kung pwede raw ba kitang samahan sa mall ngayon. Sakto namang pati ako ay maghahanap ng susuotin," ngumiti lang siya kaya naman pinapakita nito ulit ang dalawa niyang ukat sa pisngi. Kahit kailan ay ang lakas pa rin ng dating niya pag pinapakita nito ang dalawang malalim na uka sa kanyang mukha. Alam ko ang ginagawa ni Ally, she wants me to confront him! Damn that girl! Kanina kasi ay nag dra-drama ako sa kanila through chats. Sinisisi pa nga ako nila Blair na hindi ko tinanggap ang spare costumes nila. Kaya daw ay ito ako ngayon at namromropblema. They even told me na hassle ang pagpunta ng mall. But what can I do? I have no choice. Tumango ako at sinabi sa kanyang mag-antay sa sala dahil kailangan ko pang mag ligpit sa kwarto ko dahil sa mga nag kalat na costumes. Maliligo pa ako at mamimili pa ng susuotin para sa pagpunta ng mall. Ang arte mo masyado, Porsch. Bumaba ako at nakita kong nakasimple na itong shirt at shorts. Simple pero hindi naman siyang nagmumukhang tatambay lang sa bahay. This man in front of me. I used to like him. What happened now? I'm not sure anymore. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil iniisip ko kung paano siya nakapag palit ng damit. "I have spare clothes na nakalagay sa sasakyan." Tumango ako at nanguna nang pumunta sa labas. Pinatunog niya naman ang sasakyan niya para makapasok na rin ako kaagad doon. Agad rin naman akong pumasok para mapabilis ang pag-uwi namin sakaling makapili at makabili kami agad ng costumes sa mall. Nakarating kami roon. Ang salubong sa amin doon ay ang nagdadagsaang mga tao. Nagpa-panic buying dahil malapit na rin ang araw ng mga patay. Umiling pa ako bago bumaba ng sasakyan. "Swerte ni Ryder. He doesn't have to face this because he already had a costume. Sabay silang bumili ni Winona nung nakaraan before pa i-announce ang tungkol sa halloween party," sabi niya ng mai-lock na niya ang mga pintuan ng sasakyan niya. Naramdaman ko naman ang kirot sa puso ko nang malaman ang balitang iyon. Talaga namang nagkakamabutihan na silang dalawa no? Nagpakawala ako ng hangin. Nagbabakasakaling pati ang nararamdamang sakit ay mawala. Sabay kaming naglakad papasok kahit medyo nauuna pa ako sa paglalakad. Marami rin akong nakitang mga bata, matanda, at teenagers na naglalakad sa loob. Ang iba ay namimili, ang iba naman ay namamasyal lang. Tulad na lang ng ibang teenagers na namamataan namin sa malayo. "Really ano daw ang binili niya?" Hinto ko para maantay siya sa paglalakad. Hinarap ko rin siya para naman hindi bastos sa kanya pagkinakausap ko siya. It will be rude to talk to him with my back facing him. "I don't know. Hindi niya sinabi sa akin. Kunot noo pa nga iyong lumabas dahil napilit lang siya ni dad na samahan si Winona." Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko nang malamang labag naman iyon kay Ryder. Napanga-nga na lang ako nang sinabi niya iyon ng hindi manlang huminto sa pag lalakad. What the f**k? Hindi niya naman sinabi sa akin na gusto niya pa lang mauna! Lumiko siya sa unang boutique na nakita namin. Puro pang cost play ang mga naroon. Mero'n pa akong nakitang heroes na galing sa mga laro na nauuso ngayon. Mero'n rin namang mga basic tulad ng, the devil and the angel, the cats and dogs, at mga bampira. Niisa doon ay wala rin akong nagustuhan. May magugustuhan ka pa kaya nito Porsch? Masyado kang mapili! Pero ang puso ko hindi. Kung sino pa ang ayaw ay siya pa ang pinili. Ano ba stop thinking about him! He's probably somewhere kasama si Winona. "What do you think?" Pakita niya pa sa akin ng costume na napili niya. Isa itong costume ni Deadpool. Itinapat niya ang buong costume na iyon sa katawan niya. Nasa tapat kami ng fitting room habang ang pintuan nito ay nakabukas para naman makita namin ang salamin na nasa loob ng cubicle na iyon. "Are you going to wear the mask? Hindi ba masyadong mainit ito lalo na at leather itong napili mo." Lahad ko sa kanya ng maskara. Hinawakan ko pa iyon para maramdaman ang quality ng costume na iyon. Naiisip ko pa lang na susuotin ko iyon sa isang concert ay ngayon pa lang ay parang hindi na ako makahinga sa sobrang init. "Well, naisipan ko lang naman. This is the first thing I saw when we enter." Balik niya sa rack ng puno rin ng costumes. Lumabas kami para maghanap pa. Tinanong niya pa ako kung bakit wala daw pa akong napili sa una naming napasukan. Nagdahilan pa ako sa kanya na masyadong boring ang mga naroon. Naka-ilang labas masok na rin kami sa mga boutique na puno ng mga costumes. At sa panglima naming napasukan ay doon lang ako nakakita ng gusto ko. "You," Lapit niya sa akin dahil nahuli pa ito nang may kunin pa siyang costume sa ibang rack. "Like that?" Turo na niya sa costume na hawak ko. Inangat ko pa iyon sa ere para mas masuri pa ng mabuti. "I would like to try." Pumasok ako sa loob ng fitting room at sinubukan iyon. Nalaglag na lang ang panga ko dahil tamang-tama lang sa hubog ng katawan ko ang napili. Napangisi na lang ako dahil sa pagtatagal kong pagpili ay may nagustuhan na rin ako. I don't know if Ally will find it boring but I don't care. At least ay meroon na akong susuotin para sa halloween party bukas. Hindi ko rin ipinakita kay Reed kung ano ang itsura noon pagsuot ko. Nakakahiya sa kanya kaya mas pinili kong bukas na niya makita para naman ay naka-ayos na ako noon. Lumabas na ako at bumungad sa akin ang nakangusong si Reed. Nagkukunwari pang nalungkot siya dahil hindi ko man lang pinakita sa kanya kung ano ang itsura noon sa akin. "It will be surprise! Go on and try yours. Talagang yan pa ang pinili mo para terno tayo." Halakhak ko habang tinutulak-tulak pa siya sa loob ng fitting room. Hindi naman siya nag reklamo at ginantihan lang ako ng tawa. Hindi niya rin daw ipapakita sa akin kung ano itsura sa kanya ng costume niya. He wants us to be quits kaya naman napa iling na lang ako sa naisip niya. Hindi ko naman alam na isip bata pala ito. Parehas na kaming naglalakad sa mall para maghanap kung saan kami pwedeng kumain. We both know na wala ng pag-asa na maka-uwi ng maaga kaya naman sinulit na namin sa pamamagitan ng pag kain sa mall. Dala ni Reed ang dalawang malaking paper bag na naglalaman ng costumes namin. Napili niyang kainan naman ay ang Bonchon. Korean restaurant iyon na puro pang halloween design ang nasa loob. Pinaupo na ako ni Reed sa isang bakanteng lamesa doon bago niya iabot sa akin ang dalawang pinamili para naman makapila na siya at maka-order nang makakain namin. Sinabi ko pa sa kanya kung ano ang gusto kong kainin bago mag-abot ng pera. Ibinalik naman niya iyon sa akin dahil may pera naman siya para siya ang may sagot ng mga kakainin namin. Tumango ako bago tumalikod at nag lakad papunta sa lamesang tinuro niya kanina. Magkapatid talaga, ayaw nilang babae ang nagbabayad para sa kanila. Nag-antay naman ako doon sa lamesa namin. Habang nag-aantay ay nagbukas ako ng group chat para makibalita kila Blair. Kaso, napakunot na lang ako bigla nang makita ang mga chat nila Mariz. Mariz Pajela: OMG! Nakita ko na naman ang status ni Winona sa Bookface. Mallari Shena: What does it says? [Blair Angeline sends a photo] Nag-send ng screenshot si Blair. Nakapaloob roon ang status ni Winona. "Matching outfits? We'll rock it." Rixelle Julian: I bet they'll suck at it. They'll be match tomorrow? Katulad namin ni Reed? Ano naman kaya ang naisip nilang suotin? Ibinaba ko na lang ang phone ko ng dumating na si Reed daladala ang isang tray na may naka lagay na number and juices. Para iyon sa order namin. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga order namin kaya naman ay nag simula na kaming kumain ng walang imikan. Hindi naman siguro pansin ni Reed ang pag katahimik ko no? That status bothered me. Matching outfits? Umirap na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Reed. Nakalagay pa sa palad ko ang baba ko habang naka tingin roon. Maya-maya pa ay huminto na si Reed sa garahe namin. "Uh, Reed? Can we talk for a moment?" Go Porsch kayanin mo 'to. Para rin naman mabawasan ang mga isipin mo. Matapang ka diba? Maglakas loob kang komprontahin siya. You can do it! "Sure," Pinatay niya ang makina bago umayos ng upo at humarap sa akin. "What is it?" Paano ko ba 'to sisimulan? Hinalungkat ko pa ang mga bagay na kailangan ko ibigay sa kanya. "U-uh kasi ito e." Abot ko sa kanya ng flash drive na nakita ko noon sa sofa sa living room namin. "I s-saw this flash drive sa s-sofa namin, a-and I think this is yours. May mga files ka rin kasi sa loob kasama ang mga stolen pictures k-ko." Iwas ko ng tingin habang inaabot iyon sa kanya. Nauutal ka pa! Keep it together Porsch, you can do it! Just fight! Ng hindi siya nagsalita ay nagpatuloy pa ako. "And yung letter ko sa dedication booth na gawa ko para sayo? You answered it. You even called me Goddess of wind. Tayo lang dalawa ang nakakaalam noon." Still, he remained silent. "Mero'n pa akong idadagdag. Nito lang ito." Abot ko sa kanya ng poem na naka lagay sa libro ko noon. "Ikaw lang ang kilala kong gumagawa ng mga poem. So there for I concluded na ikaw ang nasa likod ng mga iyan." Sa pag kakataong ito ay matapang ko na siyang hinarap. Naka yuko ito habang umiiling at mahinang tumatawa. "Kahit kailan magaling talaga ang lalaking iyon," sabi niya na ikinakunot lang ng noo ko. What does he mean by that? Ibinalik niya sa akin ang lahat nang inabot ko sa kanya. "I'm sorry Porsch pero mali ang hinala mo." Doon pa lang ay nanlamig na ako sa nalaman. Nag-init agad ang mukha ko kaya naman ay napayuko ako. Ally! Tignan mo itong pinagawa mo! "Okay, I'll start at the top." Umayos siya ng upo. Iniharap niya sa akin ang katawan niya bago siya tumikhim. "This flash drive isn't mine. Kay Ryder ito." Napakurap ako ng ilang beses kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Ka-kanino? Kay Ryder? "I have files in here kasi... I, sometimes, borrow that." Turo niya sa flash drive na hawak ng nangangatog kong kamay. Hindi kinakayanan ng sistema ko ang mga naririnig. "And, I'm not the one who's talking Italian here. Si Ryder lang iyon. Siya lang ang marunong mag-Italian dito. La Mia Stella, huh?" sabi niya pa habang nakangisi at naiiling-iling. "f**k, I don't even know what that means," he wisphered.  He cursed under his breath bago tumingala at humugot ng hangin bago simulan ang mga susunod na sasabihin. "And for your dedication letter, wala akong alam roon. Nihindi nga ako nakarinig ng isang dedication letter para sa akin dahil halos nasa loob lang ako ng principal's office. So probably baka si Ryder rin iyon." Damn he's right. Bukod kay Ally ay si Ryder lang ang nakaka-aalam na sa akin galing ang letter na iyon. Yung kurimaw talaga na iyon! "At para naman sa huli mong sinabi. Base sa pagkakabasa ko at sa nakita kong hand writting. That's not mine. Mas magaling ang kapatid ko sa paggawa ng poems. I know his works lalo na ang sulat kamay nito kaya alam kong siya rin ang may gawa niyan." Kunot noo na siya nakatingin sa labas. Nakaharap lang ito sa tabing bintana niya. "Nasagot ko na ba lahat?" sabi niya ng maramdaman niyang hindi na ako makapagsalita sa dami kong nalaman. At hindi pa rin niya ako nililingon. "Uh, y-yes. Thank you." Tumalikod na ako sa kanya. Handa nang bumaba para makapasok na sa loob ng bahay. "You're welcome. Good night, Porsch." Pagkababa ko pa lang ay agad rin siyang umalis. Nanatili lang akong nakatayo roon habang ang mga mata ko ay nagsisimula na namang mag-init dahil sa mga luhang nagbabadyang mahulog. "I thought knowing the truth will save me." Pinunasan ko ang luhang naka takas sa pagpipigil ko. "But it makes me sink even more," bulong ko pa habang dinadama ang lamig na hangin na binigigay sa akin ng gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD