Smirk Nakarating rin naman kami agad ni Ryder sa mansion nila. Nakita kong naroon na nga ang aking ama at ang nobya nito. I'm okay with it that she and my dad ended up together. At least kilala ko ang naging bagong iniibig nito. Matagal ko ng kilala ang bagong nobya nito kaya hindi na ako mababahala pa para kay dad. Mapag-alaga rin si tita Amanda just like my mom. Nasa tapat ko ang pamilyang Azucena sa mantalagang katabi ko naman sila dad. Wala si Reed dahil nasa ibang bansa ito at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng mga nobela at tula roon. "So hija, kamusta ang business niyo?" Tanong sa akin ni tita Madeline bago sumimsim sa juice nahawak nito. Uminom muna ako ng tubig bago punasan ang aking labi para makasagot sa tanong ni tita. "I'm still working on it pa po. Good thing I have

