Excitement Nakaligo na ako and it took me twenty minutes bago bumaba at sumalo sa hapag. Nagpapatuyo ako ng buhok habang pababa ng hagdanan. Naabutan ko na naman sila na nagtatawanan at hinihimas ni dad ang balikat ni Ryder. Nilingon ako ng lalaking iyon at tinapik ang bakanteng upuan na nasa tabi nito. Do I really have to sit beside him? Nah, too dangerous. Hindi ko sinunod ang gusto niya at umupo sa tapat niya. Kaya naman ay napangisi na lang ako ng umiling ang taong nasa harapan ko. "Just in time, we're just talking about you hija," halakhak ni dad at dinungaw ang lalaking nasa tapat ko. Nilagyan niya ng iba't ibang putahe ang plato ko at nilagyan na rin ito ng kanin. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. "What are you doing?" tingin ko pa rin sa kanya ng naka-upo na siya ng maa

