"KAY-OS, kay...os... Chaos." "Verry good! Now how would you pronounce this?" Ipinakita ni Ms. Alejandre sa kanya ang sumubod na placard. Nire-recall naman niya sa isip ang pinag-aralan nila last week. "In-ter-net... internet," basa niya sa hawak nito. Maayos naman ang pagkakasabi niya pero gumalaw ang kilay ni Ms. Alejandre kaya malamang na mali siya. Itinama nito ang pag-prononce niya dapat daw 'innernet' kagaya ng chocolate na 'choclate' raw ang tamang bigkas. Nalilito siya minsan pero natutuwa siya kapag nabibigkas niya iyon ng ayos. Sunod lesson nila ay tamang pag-upo at paglakad at iba pang mga tamang manners na dapat niyang malaman. Pagkatapos ng lesson nila ay pinagluto niya si Ms Alejandre. Nagpaun lak naman ito sa kanya. Halos hapon na ng umalis ang tutor niya. Kaya naman min

