CHAPTER 15 Napuno ng tawanan ang buong dressing room ng umalis si Angela at ang mga kaibigan niya. I’m sure she will be back. Alam ko namang hindi niya hahayaang matapos ang gabing ito nang hindi siya ang mananalo. “Are you okay, Mhel?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Rica nang dinaluhan niya ako. Yumuko at tinungo ang high chair sa gilid ko. I lazily nodded my hair and looked at my reflection. “Sa tingin mo maayos ba yong naging performance ko kanina?” Napabuntong hininga siya. “You are great earlier. Don’t you worry about it now. Halata naman sa naging reaksiyon ng mga audience kanina, diba?” She assured me. “At isa pa, nakita mo ba ang reaksiyon ni Ma’am Susana sa iyo? She’s very shocked when you kneeled!” Nilingon ko siya. “Wait! What? She’s here?” Gulat kong tanong sa kanya. Ku

