Sam Walang kakurap-kurap ang mga mata ko habang pinapanuod siyang tinatanggal ang kanyang pang itaas na damit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong napalunok ng di oras ng tuluyang mahantad sa paningin ko ang perpektong hubog ng katawan ni Jako. Nanunuyo ang lalamunan ko ng mapadako ang paningin ko sa malapad niyang dibdib hanggang sa sculpted niyang 6 packs na abs at ang v-line na nahahangganan ng pantalon niya. Namula ako bigla ng magtagpo ang mga titig namin at hindi mapalis sa mukha niya ang sobrang kasiyahan. Ako na mismo ang unang nag baba ng tingin pero agad naman niya itong sinalo sa pamamagitan ng pag taas ng baba ko. "I love on how you stare and rake on my body, baby." sabi niya sabay kindat sa akin na nag palaki lalo ng bilog ng mga mata ko. Hindi

