Sam Nanatiling tikom ang bibig ni daddy matapos nilang mag usap ni Jako pero mababanaag mo sa mga mata niya ang lamig sa mga tingin nito. Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari iyon pero ni minsan hindi ko naungkat kay daddy kung ano ba talaga ang napag usapan nila. Kahit si Jako, inililihis parati ang usapan kapag iyong tungkol na sa bagay na iyon ang tinatanong ko. Natapos nga ang problema ko tungkol kay Dean heto na naman ang isa. I mean, wala na bang katapusan ang problema ko? "Iniisip ko tuloy na baka ayaw ni daddy kay Jako for some reasons." Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Pinag mamasdan ko lang si Monique kung papaano niya i-arranged yung mga bulaklak sa flower vase. "Seriously, Sam. Pinapunta mo ako all the way from Baguio para lang pakin

