Grabe ang pagpapa salamat ni Sadie nang tumawag na ang boss nila at sinabihan niya ang dalaga na pwede na silang mag trabaho ngayon dahil naka uwi na ito galing ibang bansa. "Mag wowork ka?" tanong ni Belle kay Sadie na nag aayos. Dumalaw si Belle kay Sadie ngayon dahil wala itong ma gawa sa bahay nila. Agad namang tumango si Sadie at ngumiti sa kaibigan niya dahil masaya siyang makakapag trabaho na ulit siya at ma iiwasan na niyang isipin ang mga gumu gulo sa isipan niya. "Wala ka bang na raramdaman na kung ano?" tanong ni Belle sa dalaga. "Wala naman," sagot ni Sadie at tinapos na ang pag aayos niya nang buhok niya dahil palagi niyang gusto na maayos ang buhok niya kapag nag ta trabaho siya sa bar. "Ayaw mo bang lumipat ng work? parang delikado naman kasi lalo na pang gabi ang tr

