Lumipas na ang mga araw at medyo nagiging ok naman ako. Patuloy pa rin ang pagdikit sa akin ni Blake. Desidido talaga siya na maging kami. Sa totoo lang, humahanga talaga ako kay Blake dahil sa kabaitan niya. He is willing to wait for my heart to heal. He is worthy of love and belonging. Kaso, ayoko namang gawin na panakip butas si Blake. I'm not that evil to use a person just to move on. Alam ko na mas makakasakit ako ng tao kapag ginawa ko 'yun. Nandito ako ngayon sa bar kung saan naganap ang lahat. "I need to see the cctv cameras..." "Ok sir, this way po." Sumunod na lang ako sa manager ng bar. Pinaupo na niya ako sa harapan ng monitor. Sinabi ko na ang date at ng oras ng pangyayari. "Let me see this one..." Nakita ko sa cctv si Yani noong umalis ako saglit para kausapin si Blak

