Luther's POV
Back when I was a kid, I always dream to become a doctor. Gusto 'kong tulungan 'yung mga taong may karamdaman. I think, it's kinda cool wearing a lab coat with stethoscope on your neck.
I strived so hard in my studies back when I was in college. Hindi madali ang mag-aral para maging doctor. It takes a lot of tears and money.
Luckily, natupad ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap. I'm Dr. Luther Velasco and I'm one of the most in demand cardiothoracic surgeon here at this huge hospital.
Actually, masyado pa akong bata para sa isang doctor. I know that I'm good-looking. Sabi nga nila, hot doctor raw ako hahahah.
Nakaka-stress... Minsan, gusto ko nang matunaw dito sa trabaho ko but I believe that being a doctor is more than just a job. I am here to save lives of my patients.
Pumasok muna ako sa office ko para ayusin ang mga gamit. I always come to work early. Sobrang dedicated ako dito sa trabaho ko.
Paglabas ko ng office ay nakasalubong ko naman sa daan ang head nurse.
"Good morning Dr. Luther!"
I smiled at her...
"Nabalitaan mo na ba doc? May bagong nurse raw ngayon dito sa hospital. Mamaya siya magsisimula."
Umiling-iling na lang ako. I don't usually talk. Siguro, sa mga ka-close ko lang. Masyado na kasi akong nag-mature dahil sa trabaho ko.
"Doc, I saw him earlier at the lobby. Grabe, ang gwapo rin niya! Mukhang may ka-kumpitensya ka na hahahah."
I laughed because of what she said...
A nurse? Actually, mas interested ako kung doctor din na kagaya ko.
May edad na ang head nurse namin pero masayahin pa rin siya.
"Sige po, kakain muna ako sa cafeteria," sabi ko.
Lalakad na sana ako para kumain sa cafeteria pero bigla na lang may nagkagulo. Tumingin ako sa hallway at may pasyente na namang sinusugod sa emergency room.
"Call Dr. Gomez!" A nurse shouted.
Jusko po! Matanda na si Dr. Gomez. Baka hindi na niya maabutan ang pasyente kahit na tumakbo pa siya.
Honestly, sanay na sanay na ako sa mga ganitong scene sa hospital. Tumakbo na lang ako kaagad papunta sa pasyente.
"No need for Dr. Gomez, I'm here..."
Mukhang malala ang nangyari dito sa pasyente. I'm checking him while running to the ER.
Nalaman ko na nasagasaan pala ang pasyente. May bali ang rib cage niya. Too bad... I really need to save him. This kind of fracture cannot easily be treated.
Puro dugo na rin ang lab coat ko dahil sa pasyente. Tumatakbo rin ang mga kasama ng pasyente habang umiiyak.
Kailangan ko na siyang operahan kaagad para maging stable ang lagay niya. Ilang oras din ang inabot ng surgery. Kawawa naman ang pasyente.
Nagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. The patient needs to stay in this hospital for long. Mabuti at wala namang fracture ang ulo niya dahil mas may chance talaga na makaligtas kapag katawan lang ang may injury.
Lumabas na ako ng ER at tinanggal ko na ang gloves at face mask.
"Kamusta na po ang asawa ko?" Umiiyak na tanong ng babae.
"Don't worry, stable naman ang lagay niya ngayon. I just need to check him again just to make sure. 'Wag po kayong mag-alala, magiging ok rin siya," Magalang 'kong sabi.
Nalaman ko na nahagip pala sila ng kotse habang tumatawid. Kawawa naman ang mag-asawa. Nakainom daw kasi ang driver ng kotse.
Kausap na ng mga pulis ang driver at sasagutin naman daw ang bills sa hospital. Biglaan talaga ang mga aksidente kahit gaano ka kaingat.
Kumulo na ang tiyan ko habang naglalakad sa hallway. Medyo nahihilo na rin ako. I'm really hungry.
Hindi naman kasi talaga ako naka-assign sa ER pero syempre, hindi ko naman pwedeng tignan na lang ang pasyente na kailangan ng tulong ko.
Nahihilo na talaga ako dahil sa gutom. Ilang oras na rin kasi ang lumipas. Nakasalubong ko pa ang nagdedeliver ng supplies dito sa hospital.
Nagulat ako dahil bigla ko na lang nadanggi ang ibang supplies dahil masyado silang mabilis. Nalaglagan ako ng box at natumba na lang ako dahil nanghihina na ako
"Sorry doc!" Sigaw ng nagdedeliver.
Nalaglag pa ang ibang boxes at napapikit na lang ako. I felt that someone pulled me up. Pagdilat ko ay napunta na ako sa kabilang pwesto.
Napansin ko na supplies pala ng scalpel ang mga nalaglag. Mabuti na lang at hindi ako nalaglagan.
"Are you ok?"
Napatingin na lang ako sa harapan ko. I'm in shock... His beautiful brown eyes looks so worried.
Wavy ang buhok niya, maputi siya at ang ganda ng jawline niya. Ang ganda rin talaga ng bilugan niyang mga mata.
Ang amo ng mukha niya...
In short...
Ang gwapo niya...
"Please answer, doctor. Are you ok?" Nag-aalala niyang tanong.
Natauhan ako bigla. Natulala pala ako. Nakakahiya naman, mukha akong lampa na nakaupo dito sa hallway.
"I-I'm fine... Thank you," sabi ko.
Tinulungan na niya akong makatayo at magkasing-height lang kami.
"Doc, sorry po talaga at nalaglagan kayo ng supplies," sabi ng nag-deliver.
"It's ok... Ayos lang naman ako."
Tumingin naman ako doon sa gwapong lalake at napansin ko ang suot niyang damit.
"So, you're the new nurse?" I asked.
He nodded and then he smiled at me...
Naks! Tama nga 'yung sinabi ng head nurse namin, gwapo nga ang bagong nurse. Ang cute ng dimples niya!
Lumapit siya sa akin at inayos niya ang suot ko. Nagusot pala dahil sa nangyari kanina.
Hala! Ang sweet naman hahahah. Mukha siyang mabait. Nginitian na lang niya ako.
"You look so stressed..."
Ngumiti na lang ako... Sino ba naman ang hindi stressed na doctor?
"I'm Dr. Luther Velasco; and you are?"
Nakipag-kamay siya sa akin at...
"Nurse Blake Naylor..."
Ang gwapo niya... Hindi naman ako bading. Bisexual lang ako! Inaamin ko sa sarili ko na na-attract ako sa kanya.
Trabaho lang naman ang iniisip ko. Ayoko muna ng love life.
"Look! You're wounded!"
Napatingin na lang din ako sa kamay ko at dumugo pala. Mukhang nahiwa ng scalpel na nalaglag kanina.
Tsk... Natamaan pala ako...
"Come with me..."
Hinatak niya ako bigla. Pumunta kami sa quarters ng mga nurse at pinaupo na niya ako.
Kumuha siya ng mga gamit at ginagamot na niya ang sugat ko. Mukhang hindi pa siya masyadong sanay.
"I'm a doctor, I can take care of my wound," sabi ko.
"Just let me do it, ok?" Nakangiti niyang sabi.
He looks so caring and sincere...
"It looks like you're fresh grad, aren't you?" I asked.
He looked at me at he nodded. Medyo nalungkot siya bigla.
"Actually, nahirapan akong maghanap ng trabaho. My friend helped me to have a job in this hospital. I'm just really lucky."
Sabagay, mahirap talaga makahanap ng trabaho ang mga nurse dito sa bansa natin; lalo na sa magandang hospital na ito.
"I'm done..."
Ngumiti na lang ako sa kanya. Sigurado naman ako na masasanay din siya dito sa hospital. He looks so hardworking and dedicated to his job; just like me.
"Thanks..."
"Napansin ko lang, parang medyo nahihilo ka kanina bago ka malaglagan ng supplies. Masama ba ang pakiramdam mo, doc?" Tanong niya.
Sasagot na sana ako pero nagsalita na siya kaagad...
"Oh, I get it! Gutom ka na siguro. 'Wag ka naman maglalipas ng gutom dahil sa trabaho," sabi niya.
"I'm always in rush. Mas importante ang kapakanan ng mga pasyente," sabi ko na lang.
He sigh...
"Don't save your patients if you can't take care of yourself. Paano ka gagamot ng pasyente kung ikaw naman ang magkasakit?"
I'm just looking at him... He's right. May sense siyang kausap. Madalas kasi, lagi na akong nalilipasan ng gutom dahil sa mga surgery.
"Hmmm... Kanina pa 'yung lunch time. Ok lang ba Dr. Velasco kung sabay na tayo kumain sa cafeteria?"
Kita mo 'yan, nagpalipas din pala siya ng gutom hahaha.
"No problem and please, just call me Dr. Luther."
Sabay na kaming pumunta sa cafeteria. Actually, gutom na gutom na talaga ako. Wala pa kasi talaga akong breakfast at nalipasan na naman ako ng gutom.
Natuwa naman ako dahil nilibre pa ako ni Nurse Blake. Mabait nga siya; tapos galante pa.
"Hmmm... I saw you earlier at the hallway. You look so cool habang sinusugod ang pasyente sa emergency room," sabi niya.
I smiled...
"It's my daily routine. Matanda na kasi si Dr. Gomez kaya madalas, tumutulong din ako sa ER," sabi ko.
"Ang cool mo naman! Sana minsan, magkasabay tayong mag-save ng pasyente," natutuwa niyang sabi.
"Don't worry, I'm sure that it will happen soon," sabi ko na lang.
"Sa totoo lang, ikaw ang unang kumausap sa akin dito bukod sa head nurse. Medyo masungit kasi ang ibang doctors at nurses dito," sabi niya.
Natawa na lang ako...
"Ganyan talaga palagi. They are really serious about their responsibilities here in hospital. Don't worry, masasanay ka rin. I'm exactly like you when I worked here during my first week," sabi ko.
"Paano ba 'yan? Friends na ba tayong dalawa, Dr. Luther?" Nakangiti niyang tanong.
"Friends..." Sagot ko sabay ngiti.
He is just smiling at me. Ang gwapo talaga ni Nurse Blake. Feeling ko naman, magiging ka-close ko siya.
Wala rin kasi akong masyadong close dito sa hospital dahil madalas, matatanda na ang doctors at lahat kami ay palaging busy. 'Yung iba, masungit talaga.
I'm thankful because this guy saved me earlier. Ramdam ko na mabuti siyang tao. Mukhang marami ang magandang mangyayari sa pagdating mo dito sa hospital.
Nurse Blake...