Balitang-balita sa buong hospital ang proposal ni Yani para sa akin. Alam ko na nawindang 'yung iba kasi hindi naman nila alam na may relasyon kami. Lalong hindi naman nila alam na bisexual kami ni Yani. We don't care. We love each other. I know that it's quite fast but we don't have time for courtship. Matured na kami pareho kaya 'di na uso ang matagal na ligawan. I know him... It's enough reason for me to trust him. Wala naman akong hahanapin pa sa kanya diba? "Hi doc!" Nakangiti sa akin ang matandang babae at nag-umpisa na ako sa check up. Nasa medical mission na kasi kami ngayon. "Lola, medyo mataas po ang dugo niyo. Gulay po muna ang kainin natin ha?" Nakangiti 'kong sabi. "Ay ganun ba? Sige doc, salamat. Ang gwapo niyo po," nakangiting sabi ni lola. "Ay alam ko na po 'yun," b

