Chapter 25: Alexa Carter

1603 Words
Nakaupo lang ako ngayon dito sa office ko. I am just waiting for my patient's surgery later this afternoon. Nakahawak ako dito sa key necklace na binigay sa akin ni Yani. I can't stop myself from smiling. Bakit ganito? I'm so happy right now and I don't know exactly why. It's quite beautiful and meaningful... Ngiti ako ng ngiti. Para na akong baliw dito sa office. Mabuti na lang at walang ibang nakakakita sa akin. "This necklace is the key to my heart. Habang nasa iyo 'to, sa'yo lang din ang puso ko." "I am all yours, Dr. Luther." Hala siya! Bakit hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi? Am I insane? Nakakainis pero kinikilig ako. Arrrgghhh! It's so gay! "I love you, Dr. Luther Velasco..." Putek! May gusto na rin ba ako sa manyakis na 'yun? Nakakainis! Kinikilig talaga ako! Ilang beses 'kong sinabi sa sarili ko na hindi ko siya gusto at hindi siya ang tipo ko. It's such a shame! But who cares? Ok naman siya sa mga kaibigan at mga pinsan ko. Nakakainis, naiinis talaga ako sa sarili ko! I hate it! Mukhang may gusto na rin ako sa kanya! Kaasar, wala ito sa mga plano ko sa buhay! Bakit nagugustuhan ko siya? Jusko po! Ano 'to? Bottomesa na ako? Nakakakilabot pakinggan pero parang oo talaga ang sagot. I took a deep breath... "Dr. Luther! Good morning!" Napatingin na lang ako sa pinto at nandito pala si Blake. "Good morning din, Nurse Blake," nakangiti ko ring sabi. Masaya siya ngayon... Ang cute talaga nitong si Blake. Sorry, mukhang suko na ako. Hindi ko kasi talaga mapigilan si manyak. Ayan, mukhang nahuhulog na tuloy ako sa kanya. I sigh... I really feel bad for Blake. "Mukhang malalim ang iniisip mo ngayon, doctor..." Sabi niya. "Don't mind me... May surgery lang kasi mamaya ang pasyente ko. How about you? You look so happy right now." "Hmmm... Thankful lang kasi ako kay Yani. Pumayag siya na tulungan ang pinsan ko na makapag-trabaho dito," nakangiti niyang sabi. Naks! Mabait talaga si Yani. Sana, hindi siya magbago. Masaya na ako kung ano siya. "Luther, pwede ba na mag-date ulit tayong dalawa?" Patay, kailangan ko nang umiwas sa kanya. Ayoko talagang masaktan ang isang 'to. He is just looking in my eyes. "Hmmm... I'm sorry-" Hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako. "It's ok, I understand. Alam ko na busy ka talaga. Don't worry... Naiintindihan ko talaga," nakangiti niyang sabi. Kaasar... Bakit napakabait mo naman, Blake? Nakokonsensya tuloy ako. "May sasabihin sana ako sa'yo..." Napatitig na lang ako sa kanya. Mukhang nahihiya na naman siya. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Blake please, 'wag ngayon. Hindi ako ready sa sasabihin mo. "Hmmm... May gusto ako say-" Bigla na lang tumunog ang phone niya. Mabuti na lang, nakahinga na ako ng maluwag. Sinagot na niya ang tawag sa phone niya. Grabe, kinabahan ako kanina. "Hmmm... Luther, I have to go. Susunduin ko lang ang pinsan ko," sabi niya. "Ok... Ingat ka." "Mamaya, babalik ako dito. Ipapakilala ko siya sa'yo." Umalis na si Blake... Grabe, hindi talaga ako makahinga kapag nandiyan siya. Guilt... Conscience... Hay jusko! Kasalanan talaga lahat ito ni Yani! Masyado siyang attractive! Natutukso talaga ako sa kanya. "Hey baby! How are you today?" Speaking of the devil. Napatingin na lang ako kay Yani. Ang saya-saya niya ngayon. "Don't call me baby, I'm not your boyfriend," I said seriously. Kinurot niya bigla ang pisngi ko. Sobrang saya mo ngayon ah? Baka mamaya, may binabalak na na naman na masama. "Don't worry, my hottie doctor. You'll be my boyfriend, soon!" "Paano mo naman nasisiguro 'yan?" Natatawa 'kong tanong. Niyakap niya ako bigla sa likod at sinandal na naman niya ang mukha niya sa balikat ko. Sa totoo lang, natutuwa ako kapag naglalambing siya ng ganito. "You are wearing that necklace now. Ibig sabihin, inaangkin mo na talaga ang puso ko." Oo na! 'Yan naman ang gusto mong marinig diba? Hahahah. Gusto na rin kita kahit manyakis ka! Nahihiya lang talaga akong aminin. "Galing ba dito si Blake kanina?" Seryoso niyang tanong. "Yeah... Sabi niya, ipapakilala raw niya sa akin ang pinsan niya." Naging seryoso na naman ang mukha niya. Natahimik na lang siya bigla. Kinurot ko tuloy ang pisngi niya... "Hey, are you jealous?" I asked. Hindi siya sumagot. Sumibangot na lang siya. Hahahah ang cute din pala nito kapag nagseselos. Kinurot ko na lang ulit ang mga pisngi niya. Ang cute niya talaga. "Hey! Don't be so jealous! Ikaw kaya ang gus-" Napatakip na lang ako sa bibig ko. Biglang ngumiti ng nakakaloko si Yani. "What do you want to say? Ako ang gus- what?" Takte naman... Medyo nadudulas na ako. Grabe, nakakademonyo ang ngiti nitong si manyak. "Wala! Tumahimik ka diyan," inis 'kong sabi. "Kunyari ka pa, gusto mo naman talaga ako," bulong niya. "Hey! May sinasabi ka?" "Wala... Sabi ko, hot ka..." Ngiti lang siya ng ngiti sa akin. Mukhang nakakaramdam na itong si manyak. Baka mag-assume siya kaagad sa akin. "Hmmm... Can we take a picture?" Wala naman sigurong masama diba? Pumayag ako at nilabas na niya ang phone niya. Kuha siya ng kuha ng pictures. Natutuwa talaga ako sa kanya. He kissed my cheek while taking pictures. Hinayaan ko na lang siya. "Hottie doctor, kiss mo rin ako sa cheek! Please!" Nagpapaawa niyang sabi. "You wish!" I said. "Sige na please... Isang beses lang," sabi niya na parang bata. Wala naman sigurong masama diba? Gusto ko rin naman siya eh hahahah. Hinalikan ko na lang ang pisngi niya. Kinuhaan agad niya ng picture. Grabe, tuwang-tuwa si manyak. Inaamin ko naman na nakakakilig. "Uy, isa pa doctor! Hindi ko nakuhaan ng maayos!" Sabi niya. "Pwede na 'yun! Ok naman 'yung picture mo kanina ah!" Sabi ko. "Hindi kaya maayos... Sige na, last one na please." Ngayon ko lang napansin, ang cute pala ni manyak kapag ganito siya. "Last na 'to!" Sabi ko. Hahalikan ko na sana ang pisngi niya pero humarap siya bigla at hinawakan niya ang batok ko. Takte... Nagkahalikan na naman kami! Hindi pwedeng ganito! Kailangan 'kong gumanti! Hahahah. Lumaban na lang ako ng halikan sa kanya. Maya-maya ay kumalas na ako ng pagkakahalik sa kanya. "Tama na 'yun ah? Napagbigyan na kita ngayon," sabi ko. Nakangiti lang siya... Grabe, sobrang saya nitong si Yani dahil sa ginawa ko. Tinitignan niya lang ang phone niya habang nakangiti. Tuwang-tuwa talaga siya doon sa picture namin na naghahalikan. "Look at this! Bagay na bagay talaga tayong dalawa," masaya niyang sabi. Napangiti na lang din ako dahil sa pictures naming dalawa. "Post ko na ba ito sa social media?" Natatawa niyang tanong. "Subukan mo, magkakamatayan tayong dalawa," sabi ko na lang. Tawa lang siya ng tawa. Hindi ko pa nga nasasabi ito kay Blake, gugulatin na niya 'yung tao. Habang kinakalikot niya ang phone niya ay may napansin ako. Teka, tama ba 'yung nakita ko? "Akin na 'yan!" Sabi ko sabay hablot sa phone niya. Halatang kinabahan si manyak. Nagulat ako dahil sa wallpaper ng phone niya. Putek! Kinuhaan niya ako ng picture noong may nangyari sa amin habang lasing ako! "Hoy! Paano kapag may nakakita nito?" Kabado 'kong tanong. "Bakit? Half naked lang naman ah! Ang hot mo kaya diyan..." "Palitan mo 'to!" Sigaw ko. "Sige... Picture natin na naghahalikan ang ipapalit ko diyan!" Natatawa niyang sabi. Putek... Mas delikado nga 'yun. Ok lang naman siguro itong wallpaper niya. In fairness, ang hot ko nga dito hahahahh. "Oh sige, 'wag mo na palitan 'to basta mag-ingat ka na walang ibang makakakita," sabi ko na lang. "Yes boss! Kapag may nakakita man, maglalaway sila sa'yo hahahah." "Sira ka talaga hahahah. Ikaw kaya ang boss ko," sabi ko. "Syempre love kita, ikaw ang boss ko." Oo na lang hahahah. Pinapakilig na naman ako nitong si manyak. "Aaayyyiiieee, kinikilig ang hottie doctor ko!" Sabi niya sabay sundot sa leeg ko. Napatawa tuloy ako bigla. May kiliti kasi ako sa leeg. Letse ka talaga! "Uy, may kiliti ka pala sa leeg? Bakit kapag hinahalikan ko, wala naman?" Natatawa niyang tanong. "Eh syempre, iba naman ang pakiramdam nun!" Sabi ko. "Talaga? Sige nga, tanggalin natin 'yang kiliti sa leeg mo!" Bigla niya akong niyakap at hinahalikan niya ako sa leeg. Nakakagulat naman! Muntik na akong atakihin sa puso. Masyado talagang wild itong si Yani. "Uy teka, tumigil ka na!" Natatawa 'kong sabi. Hindi siya humihinto at hinahalikan niya lang ako sa leeg. Dumidiin ang pagkakahalik niya. Takte, nasasarapan na ako. Bigla na lang may kumatok sa pinto kaya napakalas agad siya. Inayos ko na lang bigla ang sarili ko. Jusme... Nakakabitin este, kinabahan pala ako. "Good morning Dr. Luther!" Pumasok na si Blake sa office ko at may kasama siya na babaeng nurse. Napaiwas na lang ng tingin si Yani. Ang weird naman. "Uy, nandito ka pala Yani. Ipapakilala ko lang sana sa inyo itong pinsan ko." His cousin is beautiful... Mukha rin naman siyang mabait at mahiyain kagaya ni Blake. "Good morning po sa inyo," sabi ng babaeng nurse. Tumingin ang babaeng nurse kay Yani at nakangiti ito sa kanya. Biglang naging seryoso ang mukha ni Yani. "Thank you for hiring me..." She said. "No worries, I hired you because of Blake. I'm expecting you to become professional in your work." Uy teka, bakit parang bigla na lang nagsusungit itong si Yani? Napakunot na lang ang noo ko. Nahiya tuloy bigla 'yung babaeng nurse. Is there something that is happening here? "Insan, siya naman si Dr. Luther. He is the one that I'm telling you," Blake said while smiling. Nakipag-shake hands naman sa akin 'yung babae. Mukha naman siyang mabait kagaya ng pinsan niya. "I'm Dr. Luther Velasco," I said. Parang nabigla pa siya dahil sa pangalan ko. Ang weird naman. "Hmmm... Is there something wrong?" I asked curiously. "May naalala lang kasi ako sa surname mo," mahina niyang sabi. Teka, parang namumukhaan ko ang babaeng ito. Parang nagkita na rin kaming dalawa noon. Hindi ko lang matandaan kung saan. "You look familliar," I said. Napatitig lang siya sa akin. Parang namumukhaan ko talaga siya. Sino ka ba talaga? Para kasing kilala kita. "You too..." She said. Tama! Nakita ko na nga siya noon! Parang naaalala ko na kung saan! "What's your name?" I asked. Sh*t! Kilala ko na siya! Alam ko na kung saan kami nagkita! Patay, sana naman nagbago na siya. Mukha naman siyang mabait ngayon. Tsk... It's not good. Kailangan itong malaman ng pinsan ko. Hindi ko alam na nandito na pala ang babaeng sumira sa buhay ni Raypaul. "I'm Alexa Carter..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD