Chapter 12: Love Triangle

2351 Words
Day off ko ngayon at nasa bahay lang ako. Actually, wala akong ginagawa ngayon. Medyo mainit ang panahon. "Anak! May bisita ka!" Oh? Sino naman kaya? Naka-boxers lang ako ngayon. Sure naman ako na mga pinsan ko lang or sila Cyril ang bibisita sa bahay. Hindi pa naman kasi alam ni Blake kung saan ang bahay ko. Next time ko na siya dadalhin dito. Lumabas na ako ng kwarto at... "Hi, my hottie doctor!" Halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Yani sa sala. What the! Baka tinignan niya ang documents ko kaya alam na niya ang address ko! Patay! Patay na talaga ako nito! "Ang ganda pala ng bahay niyo..." Napatitig siya sa akin... "Pero mas maganda ang view sa harapan ko." Tsaka ko lang na-realize ang suot ko. Tumakbo ako bigla sa kwarto at nagsuot ako ng t-shirt. Kinakabahan na naman ako. Paglabas ko ng kwarto ay magkausap si papa at si Yani. Jusko po! Hindi maganda ang pakiramdam ko. "Oh, anak! Hindi mo naman sinabi na bibisita pala dito ang boss mo," sabi ni papa. Talaga lang? Hindi ko nga rin alam na matutunton niya ang kuta ko! "Anak, bakit bigla 'kang nagsuot ng shirt? Hindi ka naman ganyan kapag may bisita ah. Pinagyayabang mo palagi ang muscles mo," sabi ni mama. Takte... Natahimik na lang ako. Tinignan ko si Yani at natatawa siya. Sige lang, ang saya mo ah! Naglagay ng slice ng cake si mama para kay Yani. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. "Thank you po tita," magalang na sabi ni Yani. Ok, magalang naman pala siya sa ibang tao. Parang medyo nakahinga na ako ng maluwag. "Ang gwapo mo naman iho... Alam mo ba, bihira lang may bumisita sa anak namin na ibang tao." "Talaga po tito? Ang swerte ko naman po pala," nakangiti niyang sabi. Maduduwal na yata ako. Parang hindi bagay sa kanya ang ganyang attitude. I just rolled my eyes... "Ano naman ang nag-udyok sa'yo para puntahan ako dito sa bahay, aber?" Inis 'kong tanong. "Anak!" Napatitig tuloy ako kay mama. Pinangdilatan niya ako ng mga mata. Jusko po! Patay ako nito! "Hindi kita pinalaking bastos! Dapat magalang ka sa bisita mo! Umayos ka! Baka gusto mong hambalusin kita ng tsinelas ni Korina!" Napalunok na lang ako. Grabe, nakakatakot talaga si mama. Ang laki ko na pero ganyan pa rin siya sa akin. Biglang nginitian ni mama si Yani... "Pasensya ka na iho, minsan talaga tinotopak 'yan. Ganyan talaga si Luther kapag stressed," nakangiting sabi ni mama kay Yani. Mama, please lang... 'Wag ka masyadong mabait diyan! Tinitigan na lang ako ni Yani at natatawa na naman siya! I don't like that kind of laugh! Don't look at me like that! "Mabait naman po 'yang si Luther. Close nga po kami eh! Lagi po ba siyang nagku-kwento tungkol sa akin?" "Ah iho, pag umuuwi kasi 'yan dito sa bahay laging tulog. Day off niya raw kasi kaya matutulog na lang siya," sabi ni papa. Hey... Nakikita niyo pa ba ako? Inivisible na ba ako dito? "Alam niyo po ba, kagabi nga po nilagnat 'yang si Luther. Ako po ang nag-alaga sa kanya sa hospital," sabi ni Yani. Pinangdilatan ko na lang siya ng mata kaya napatitig siya sa akin. Tumingin tuloy sa akin si mama kaya umiwas na agad ako ng tingin. Grabe, mas nakakatakot si mama! "Ay iho! Ang bait mo palang bata! Inalagaan mo pa ang anak namin. Pasensya na sa abala," sabi ni mama. "Wala po 'yun! Minsan nga po, lagi 'kong nahuhuli si Luther na nakatitig sa akin hahahah. Tingin niyo po ba, may gusto sa akin si Luther?" "Yani! Tumahimik ka nga!" Sigaw ko. "Bakit sinisigawan mo ang bisita?" Galit na tanong ni mama. Natahimik na lang ako. Grabe, anong dapat 'kong gawin? Mukhang masaya pa sila sa usapan nila. Tsk! Ano ako dito? Joke lang ako ganun? Nginitian na naman ni mama si Yani. Ano 'to? Close kayo? "Ang bait mo tapos magalang. Sobrang gwapo mo rin. Feeling ko, may gusto sa'yo si Luther kaya palagi ka niyang sinusungitan. Pagpasensyahan mo na lang iho..." Mama!!! Jusko po!!! Tinakpan ko na lang ang tenga ko! Grabe kayo sa akin, magulang ko ba talaga kayo? "Nakakatuwa naman po! Bagay po ba kaming dalawa ni Luther?" "Oo naman iho! Approve na approve ka sa amin nitong asawa ko," sabi ni papa. Napasampal na lang ako sa mukha ko. Grabe talaga! Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? "Narinig mo 'yun, hottie doctor? Nakuha ko na ang blessings ng future parents ko. Bagay daw tayong dalawa!" Tinakpan ko na lang ang mga tenga ko. Mas kinikilabutan pa ako ngayon kaysa noong napanuod ko sa sinehan ang Insidious! "Hmmm... Tito, gusto ko po sanang ipagpaalam si Luther." "Para saan?" "Oh, ang sweet mo naman! Pinagpapaalam mo pa si Luther. Just call us mama and papa, ok?" "Ay salamat po mama! Itatanong ko lang po sana kung pwede sumama sa amin si Luther sa swimming ng friends ko?" Ano? Mama at papa? What the! "Ok na ok 'yun sa amin!" Sabi ni papa. "Ehem! Excuse me! Pagod ako ngayon! Ayokong sumama, matutulog ako," inis 'kong sabi. "Hindi! 'Wag mong tanggihan ang bisita! Maghanda ka na anak at sasama ka sa swimming nila!" Sabi ni mama. Napasampal na lang ako sa mukha ko. Grabe talaga, wala akong laban dito kay mama. Nakahanap ng kakampi si Yani. "Hmmm... Tulungan ko na po mag-ayos ng mga gamit si Luther," sabi ni Yani. Sinundan na lang ako ni Yani sa kwarto at tinulungan na nga niya ako mag-ayos ng mga gamit. "Maraming foods sa resort. May sunblock na rin ako para hindi masira ang maganda mong balat. May fruits din akong binili," nakangiti niyang sabi. Tumahimik na lang ako habang nag-aayos ng mga gamit. Baka kasi kapag nagsalita pa ako, bumanat na naman siya bigla. "Hmmm... Ipapakilala kita sa friends ko mamaya. Sure ako na matutuwa ka sa kanila," sabi niya. Siguro, ramdam niya na medyo naiinis ako. Wala naman talaga akong magagawa kapag si mama ang nag-desisyon. "Ang ganda sa kwarto mo ah..." Nilapit na naman niya ang mukha niya sa akin. Ano naman 'to? "Mas maganda siguro kung may mangyayari sa atin dito sa kwarto mo," sabi niya sabay kindat. Hinampas ko na lang ng unan ang mukha niya. Tinatawanan niya lang ako. Nakakatuwa ba talaga ang hitsura ko? Bad trip na nga ako eh! "Alam ko na medyo naiinis ka but trust me! Mag-eenjoy ka mamaya, promise!" I just rolled my eyes... Paglabas namin ng kwarto ay sumalubong agad ang parents ko. Ano 'to? Close na kayo kay manyak ganun? "Oh... Ingat kayo ha?" Sabi ni papa. "Don't worry po, hindi naman po mapapahamak si Luther kapag nandito ako." Talaga? Ikaw kaya ang nagdadala ng kapahamakan sa buhay ko! "Bisita ka ulit dito ah? Welcome na welcome ka sa bahay namin!" Sabi mi mama. Jusko... "Thank you po!" Umalis na lang kaming dalawa. Tahimik lang ako sa kotse at hindi ko alam ang dapat 'kong gawin. Pansin ko na panay ang tingin sa akin ni Yani habang nagmamaneho. "Sa daan ka tumingin kung ayaw mo na mabangga tayo," inis 'kong sabi. "Mas masarap ka kasing tignan..." Huminga na lang ako ng malalim. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa na lang sa mga banat niya. Natulog na lang ako. Mukhang mahaba pa ang biyahe. Maya-maya ay naalimpungatan na ako. Mukhang nakahinto ang kotse. Paggising ko ay panay pala ang picture sa akin ni Yani. "Good morning! Ang cute mo dito! May bago na akong wallpaper!" masaya niyang sabi. Nasa resort na pala kami. Ang ganda naman ng beach. Natatanaw ko na kaagad. Pumunta na lang kaming dalawa ni Yani. Sumalubong agad sa amin si Blake, Kiel and Dwayne pati may kasama sila na mag-jowa yata. "Hi guys! This is Dr. Luther. He is my future wife!" Nanlaki na lang ang mga mata ko at napatawa ang iba sa kanila. Pati si Blake, natawa rin. "We know him..." Nakangiting sabi ni Kiel. "Luther, this is Lander. He is Kiel's cousin at sister ko naman itong si Quin. Asawa siya ni Lander." Bumulong siya bigla sa akin... "Say hi to your future sister in law." Bulong niya. "Nice to meet you..." Nakangiti 'kong bati sa kanila. "Oh... Nagustuhan mo ba 'yung perfume na pinabili ni kuya from France?" Tanong ni Quin. Totoo nga... "Oh, I really like it. Thank you..." Mukha namang matino ang mga kaibigan ni Yani. Mukha ring matino ang kapatid niyang babae. So, saan ba siya nagmana? Nag-swimming na sila Quin. Naghahanda naman ng foods sila Yani. Nakita ko si Blake na naglalagay ng sunblock. "Tulungan na kita..." Nakangiti 'kong sabi. Binigay sa akin ni Blake ang sunblock at nilagyan ko ang likod niya. Ang kinis naman ng balat niya. Yummy hahahah. "Thank you..." Nakangiti niyang sabi. "Anong ginagawa niyo?" Napatalon tuloy kami ni Blake dahil sa sobrang gulat. Sumulpot na naman pala bigla si Yani sa likod namin. "Grabe ka naman manggulat!" Sabi ni Blake. "Oo nga! Aatakihin na lang ako nito sa puso eh!" Sabi ko. Ang sama ng titig ni Yani sa aming dalawa ni Blake. Kinuha niya bigla ang sunblock. "Lalagyan ko rin ng sunblock si Luther. Ok lang ba, Blake?" Seryoso niyang tanong. "Sure! Maiwan ko muna kayo ah? Gutom na kasi ako." Umalis na si Blake at naramdaman ko na lang bigla na may humipo sa bewang ko. "Hoy! Kaya 'kong lagyan ng sunblock ang katawan ko!" Inis 'kong sabi. Tumingin na lang ako kay Yani. Tahimik lang siya at mukhang bad trip. May nagawa ba akong mali? Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Nilagyan na niya ng sunblock ang binti ko. Parang kinilabutan ako bigla sa pagkakahaplos niya. Tumaas na ang haplos niya sa hita ko. Aaaahhhh... Bakit ganito? Parang ang sarap ng pagkakahipo niya sa akin? Napakagat na lang ako sa labi ko. Habang nilalagyan niya ng sunblock ang hita ko, 'yung isang kamay naman niya ay napunta sa dibdib ko. Ramdam ko na sinasadya niyang ipadaan sa n****e ko ang mga daliri niya. Takte! Hmmm... Bakit parang nasasarapan ako sa ginagawa niya? Ang init ng mga palad niya... Napatayo na ako bigla at huminto na siya sa ginagawa niya sa akin. "T-Tama na, nasasara- este! Gustom na ako!" Kabado 'kong sabi. I saw him smirked... Pumunta na lang ako sa dining area at kumuha na lang ako ng hotdog on stick. Nag-iinit ang mukha ko... Nahihiya ako sa sarili ko dahil nagustuhan ko 'yung ginawa niya sa akin. Tumingin na lang ako kay Blake at kumakain siya ng watermelon. Ang cute naman ni Blake. Narinig ko bigla na nagsalita si Yani... "Hmmm... Luther, isubo mo ang saging ko." "Ang bastos mo talaga!" Sigaw ko. Napatitig na lang ako sa kanya at nagtataka ang mukha niya. Napatingin ako sa kamay niya at may hawak pala talaga siyang saging. Narinig ko na lang na nagtawanan bigla sila Kiel. Nagtataka naman si Quin na parang hindi gets ang nangyari. "Ikaw ah, ang dumi ng isip mo," natatawang sabi ni Yani. Kinagat ko na lang bigla ang saging niya. Nakakahiya kaasar! Tumabi siya sa akin at nakangiti lang siya. Mukha na naman siyang masaya. "Enjoy ka lang dito. Gusto ko na mag-relax ka, my hottie doctor," nakangiti niyang sabi. "Hmmm... Luther, ok lang ba kung sumakay kami ni Yani sa Jet Ski?" Tanong ni Blake. Nabigla ako... Hindi tuloy ako makasagot. Ito na nga ba ang sinasabi ko, type pa rin talaga ni Blake si Yani. "Ok lang ba sa'yo, Luther? Ayos lang naman kung hindi," sabi ni Yani. I don't want to act like a kid because I'm not rode este, rude pala! Hahaha. "Ok sige, basta 'wag na 'wag mo akong ipagpapalit diyan kay Yani, ha Blake?" Nakangiti 'kong sabi sabay kindat. Namula bigla si Blake tapos kumunot naman ang noo ni Yani. "Don't worry, loyal naman ako sa'yo... My hottie doctor!" Sabi naman ni Yani sabay kindat sa akin. Napanganga na lang ako. Halatang naguluhan din ang mga kabigan nila dahil sa nangyari. Sa totoo lang, magulo naman talaga ang sitwasyon naming tatlo. Pinanuod ko na lang silang dalawa habang nakasakay sa Jet Ski. Wala naman sigurong masama kung hayaan ko silang dalawa diba? Ayoko naman na maging mahigpit kay Blake at baka masakal 'yung tao. Kumain na lang ako ng cake na gawa ng mommy ni Dwayne; ang sarap talaga! Masaya naman ang naging bonding nilang magkakaibigan. Nakasundo ko naman sila Dwayne dahil mababait naman sila. Maraming water activities dito sa resort. Nag-enjoy din naman talaga ako. Inasahan na pala nila Blake na dadating ako. Nakaupo kami ngayon sa gitna ng beach at may bonfire. Kumakain lang ako ng s'mores. Tumabi bigla sa akin si Dwayne. Inalalayan siya ni Kiel. "Maiwan ko muna kayo," sabi ni Kiel at pumunta siya kila Yani. "Hmmm... Sabi ni Kiel, sweet ka raw kay Blake. May gusto ka ba sa kanya?" Nagulat tuloy ako dahil sa tanong ni Dwayne. Kahit bulag siya, mukhang malakas siya makiramdam. "Yeah... I like him," deretsahan 'kong sagot. He sigh... "Do you know that Yani likes you too?" Nabigla ako... Hindi ako makasagot. Hindi ko naman kasi sigurado kung seryoso ba talaga si Yani. "You know? Alam ko na madalas, binabastos ka ni Yani. Ganun talaga siya sa taong gusto niya. I know that. Ganyan siya sa akin dati. Alam mo, mabuti siyang tao. Masaya ako na ngayon, pinakilala ka niya sa amin." Napangiti na lang ako at hindi ko alam kung bakit. "Si Yani, mas mabuti siyang tao kaysa sa inaakala mo. Kilalang-kilala ko siya. Alam ko na magiging masaya ka sa kanya," sabi ni Dwayne. "Eh paano 'to? Si Blake ang gusto ko," problemado 'kong sabi. Parang nagulat tuloy siya... "Naku... Mukhang mahirap 'yan. Pero kung ako sa'yo, piliin mo kung sino ang tinitibok ng puso mo. Maybe you can't feel it now but I believe that someday, may makakalamang din diyan sa puso mo..." Napaisip tuloy ako dahil sa sinabi niya. Alam kaya ni Dwayne na si Blake naman ay may gusto kay Yani? Aaarrrggghhhh! Ang gulo naman! "Just think of it, Luther. Alam ko na kakaiba ang love story mo pero go with the flow ka lang dapat. 'Wag ka masyadong ma-stress. Happy lang..." Gumaan tuloy ang loob ko dahil sa sinabi ni Dwayne. Para siyang si Cyril pero mas malalim siyang tao. "Hmmm... Pagod na ako. Gusto ko na magpahinga," sabi niya. Tinawag niya si Kiel at inalalayan na siya nito. Ang swerte naman ni Kiel sa kanya. Actually, swerte sila sa isa't-isa. "Salamat sa time, Dwayne..." Sabi ko. Ngumiti na lang siya sa akin. Medyo pagod na rin ako kaya pumasok na ako sa loob ng isang kwarto. Nakita ko si Blake na natutulog sa loob kaya tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya. Pumikit na lang ako... Ang sarap naman hahahah. Katabi ko ulit matulog si Blake ko. Nakaidlip yata ako ng saglit. Maya-maya ay naalimpungatan ako. Pagdilat ko ay halos malaglag ang puso ko dahil sa sobrang gulat. Nakayakap na sa akin si Yani habang ako naman, nakayakap kay Blake! What the heck! Again... What kind of love triangle is this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD