Chapter 9: Date

1884 Words
I'm here at a café... Kasama ko si Eros and Cyril. Day off ko rin kasi ngayon. Sa totoo lang, sobra 'kong inaalala ang nangyari sa akin kahapon. Letse! Bakit ba hindi mawala sa utak ko 'yung ginawa ni manyak sa akin? "Aaarrrggghhh!" Sigaw ko. Napatitig tuloy sa akin lahat ng mga tao dito sa café. Nahiya tuloy ako bigla. Rinig ko na natawa ng mahina si Eros. "Thinking out loud, huh?" Kumunot na lang ang noo ko... "Ano ba kasi ang nangyari sa'yo, Luther? You look quite depressed," sabi ni Cyril. I sigh... "Bakit mo kami pinapunta dito? Is there an important thing that we should talk about?" Tanong ni Eros. Paano ko ba sisimulan? Actually, wala pa talaga silang alam sa mga nangyayari sa akin. "Hmmm... I have a good news and also a bad news," sabi ko. Nagkatinginan na lang silang dalawa. Bakit ganun? Kahit magtinginan lang sila, parang may spark. Makuryente ka sana Eros! Hahahah joke! "Hmmm... I'm starting to fall in love again," sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Cyril at napangiti siya dahil sa sinabi ko. "Oh! That is so nice! Ipakilala mo naman siya sa amin!" Sabi niya. "How's that person? Mabait ba? Siguraduhin mo na makakasundo namin 'yan ni babydoll," seryosong sabi ni Eros. Yuck... Narinig ko na naman ang salitang babydoll. 'Yun kasi ang tawag niya kay Cyril. Ang jologs! Hahahah. "Honestly, he is a kind person. Gwapo rin siya at matalino. He's a nurse. Sure ako na makakasundo niyo naman siya," sabi ko. "I'm so excited to meet him!" Cyril said cheerfully. Nakakatuwa talaga si Cyril. Hanggang ngayon, he is so cute and adorable. Hindi ko pinagsisihan kahit kailan na minahal ko siya. "What's his name?" Seryosong tanong ni Eros. "Blake Naylor..." Ganyan talaga si Eros, palaging seryoso at medyo masungit talaga. Si Cyril naman, mahiyain at inosente. Ewan ko kung inosente pa rin siya hanggang ngayon. Malamang hindi na; si Eros pa ba? Ahahahah. "May ginagawa ka na bang move para mapalapit sa kanya?" Tanong ni Eros. "Yeah... Actually, we have a date mamayang gabi," sabi ko. "Good... Chance mo na 'yan para ma-inlove ulit. Kapag wala ka pa talagang nakatuluyan, ibig sabihin panget ka talaga hahahah!" "Hey! Gwapo kaya ako! Sadyang mapili lang ako!" Tawa lang siya ng tawa. Sabagay, gwapo talaga si Eros. Gwapo rin naman ako! Sabi nga ni manyak, hottie doctor ako! What in the heck? Bakit pumasok na naman sa utak ko si manyak? Kumunot na lang ang noo ko. Wala ako sa mood para patulan si Eros. Ganyan talaga siya palagi. Malakas siyang mang-asar. Actually, parehas lang naman kami. "Hmmm... Ano naman ang nagustuhan mo sa kanya, Luther?" Tanong ni Cyril. Ano nga ba? "Honestly, I'm not really sure. Parang noong nagustuhan din kita, hindi ko alam ang dahilan," nakangiti 'kong sabi. "Ehem!" Napatingin tuloy kami kay Eros. Ang sama ng titig niya sa akin. "Nakakita ka na ba ng doctor na ginilitan ang leeg sa loob ng café?" Seryoso niyang tanong. Ayan! Hahahah galit na agad siya. Ayaw niya kasi ng taong sweet kay Cyril bukod sa kanya. Hahahah patas na kami ngayon, nainis na rin siya sa akin. "Actually, kailangan ko ng advice mo ngayon, panget... Este Eros!" Sabi ko. Kumunot ang noo niya... "Tungkol saan?" I sigh... Ang hirap naman simulan. Hindi ko alam kung paano ko iku-kwento sa kanya ang pangmamanyak sa akin nung Yani na 'yun! Kilala ko si Eros, baka mamaya pagtawanan pa niya ako. "Hey! Anong advice ang kailangan mo?" Seryoso niyang tanong. Ano kaya kung ibahin ko ang pagkaka-kwento para 'di niya ako asarin? Tama! Ang talino ko talaga hahahaha! "Hmmm... May pasyente kasi ako. Lalake siya... Minamanyak daw siya ng boss niya na lalake rin. Hindi niya alam ang gagawin kasi masyadong dominant daw 'yung boss niya. Nag-try na siyang manlaban kaso malakas daw talaga 'yung boss. Ayaw naman niya magsumbong sa pulis kasi nakakahiya raw," seryoso 'kong sabi. Ayan... Nakaisip ako ng way para hindi niya ako asarin! Haahhah matalino talaga ako! "Hmmm... Bisexual ba 'yung pasyente mong 'yan?" Tanong niya. Tumango na lang ako... "Hmmm... Gwapo ba 'yung boss?" Tumango ulit ako. Honestly, gwapo naman talaga si manyak. Mukha lang talaga siyang hindi gagawa ng matino. Tumawa na lang bigla si Eros. Napakunot tuloy ang noo ko. "Anong nakakatawa?" Inis 'kong tanong. "Hahahah edi sabihin mo, mag-enjoy na lang siya!" Natatawa niyang sabi. Nagalit na tuloy ako! Hindi tama na pagtawanan niya ako! "May gusto nga kasi ako kay Nurse Blake! Hindi ko na alam ang gagawin ko doon sa manyakis 'kong boss! Tapos si Blake, may gusto pa sa kanya! Ang gulo kaya ng isip ko Eros! 'Wag kang tumawa!" Sigaw ko. Nagulat tuloy siya dahil galit na talaga ako! Ayoko na kasing ulit-ulitin pa ni Yani 'yung ginagawa niya sa akin! "So, sarili mo pala ang kinukwento mo? Gawa-gawa mo lang 'yung pasyente na sinasabi mo?" Nalaki tuloy ang mga mata ko... What the! Hindi ko na pala na-control ang sinabi ko kanina! I'm dead... Lalo siyang tumawa ng malakas. Feeling ko, maluluha na ako. Walang hiya ka talaga Eros Vermillion! "Ikaw? Mamanyakin? Hahahah! Sa laki ng katawan mong 'yan, mamanyakin ka? Haahhah!" "Mas malakas nga kasi siya!" Tawa lang siya ng tawa. Yumuko na lang ako. Nakakainis ka talaga Eros! Walang hiya ka talaga! "Eros, tama na 'yan. Baka sumama ang loob ni Luther," sabi ni Cyril. Tumigil na sa kakatawa si Eros at halatang nagpipigil lang siya. Ewan ko ba kung bakit kami naging mag-bestfriend. "Oh... Sorry na, Luther. Kung ako sa'yo, sakyan mo na lang 'yung kamanyakan niya hanggang sa magsawa siya," sabi ni Eros. "Eh paano kung ayaw ako tigilan? 'Di ko na nga pinapansin pero siya itong nagpapapansin talaga sa akin!" Nagkatinginan ulit si Cyril at Eros. Napangiti pa sila. Ano na naman 'yan? "Hmmm... Siguro, may gusto nga siya sa'yo?" Sabi ni Cyril. "Oo nga... Hindi naman 'yun magpapapansin kung hindi ka niya gusto. Why don't you try him? Malay mo, magustuhan mo rin siya," sabi ni Eros. "Si Blake nga kasi ang gusto ko!" Inis 'kong sabi. "Luther, minsan kasi, 'yung taong nakatadhana sa'yo ay hindi mo talaga ginusto. Tignan mo ako, hindi ko naman inakala na sa dami ng mga babaeng naghahabol sa akin, si Cyril na lalake pa ang minahal ko," seryosong sabi ni Eros. Pero kasi, ibang klase naman si Yani! Bastos siya! Manyakis! Walang modo! Sinisira niya palagi ang araw ko! "Ikaw din, baka hindi mo mamalayan, nagugustuhan mo na pala 'yung pangmamanyak niya sa'yo. Tapos next time, hahanap-hanapin mo na ang mga haplos niya," natatawang sabi ni Eros. "Kadiri ka! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo! Tumahimik ka na lang!" "Haahhah pero seriously, ikaw? Minamanyak? I can't imagine! Hahahah it's so hilarious! Baka nga nag-eenjoy ka pa! Hahahah!" Natahimik na lang ako. Sige Eros, pagtawanan mo lang ako. Makakabawi rin ako sa'yo next time. "Hmmm... Luther." Napalingon na lang kami. Nandito na pala si Blake! Ngumiti na lang ako. Kahit anong pangba-bad trip ang gawin mo Eros, good mood ako kapag nandito si Blake! "Hmmm... Guys, he's Blake. Siya 'yung kinukwento ko. Blake, they are my closest friends, Cyril and Eros." Nakipag-shake hands na lang si Blake sa kanila. Ramdam ko naman na makakasundo nila si Blake. "Hmmm... Luther, parang bagay kayo niyan ni Blake. Mukha siyang mabait," bulong sa akin ni Cyril. Napangiti na lang ako. Ayan, boto na si Cyril kay Blake para sa akin. "Blake right? Kamusta naman si Luther? Mabait ba siya sa'yo? Wala ba siyang ginagawang kahina-hinala?" Seryosong tanong ni Eros. Natawa na lang si Blake. Bad trip ka talaga Eros! Kahit kailan, lagi mong sinisira ang mood ko. "Mabait naman si Luther. Actually, nakakatuwa ang personality niya," nakangiting sabi ni Blake. Napangiti na ako... Talaga ba, Blake? Nakakakilig naman! Hahahah sabi ko na nga ba, magugustuhan rin talaga ako ni Blake. Nagkwentuhan na lang silang tatlo. Mukha namang gusto nila si Blake. Masaya ako na nakakasundo nila ang taong gusto ko. Sana nga, si Blake na talaga ang para sa akin. Pagkatapos ng usapan nila ay umuwi na rin sila Eros. Pumunta na kami ni Blake sa isang resto para mag-date. Excited na rin talaga ako. "Nakakatuwa ang friends mo..." Sabi ni Blake. "Si Cyril lang ang nakakatuwa," natatawa 'kong sabi. "Honestly, ramdam ko na sobrang close kayo ni Eros kaya ok lang na mag-asaran kayo ng ganun," sabi niya. "Yeah... Malakas talaga ang saltik niya. Balak ko na nga siyang dalhin sa kaibigan 'kong psychiatrist hahahah." Masaya akong ka-date si Blake. Natutuwa talaga ako sa kanya. Alam ko na mabuti siyang tao and I can imagine my future with him. Nadumihan ang labi niya ng sauce kaya pinunasan ko ng tissue. Namula na naman siya at mukhang nahihiya. His small movements makes him more attractive in my eyes. "Hmmm... Luther, hindi mo kailangan maging ganyan ka-sweet sa akin. Hindi nga ako babae," nahihiya niyang sabi. Hinawakan ko na lang ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. "You don't have to be a girl para maging ganito ako ka-sweet. I don't care if you're a guy... Sweet talaga ako kaya masanay ka na," seryoso 'kong sabi. Ramdam ko na hiyang-hiya na siya. Namumula na kasi ang mukha niya. Tumingin na lang siya sa paligid. "Hmmm... Luther, hindi ka ba nahihiya na maging ganyan ka-sweet sa akin? Maraming tao dito sa resto..." Sabi niya. I laughed a little... "Of course not! Gusto kita, diba? Hindi ako mahihiya na sabihin kahit kanino na gusto kita." Napakagat siya sa labi niya dahil sa sinabi ko. Tuwang-tuwa ako... Ramdam ko na kinilig siya dahil sa sinabi ko. "Salamat Luther..." Napatitig ako sa mga mata niya. Kitang-kita ko na sincere ang mga mata niya. "Thank you kasi gusto mo ako. First time na may nagkakagusto sa akin ng ganyan. Sa totoo lang, natutuwa talaga ako sa'yo. Sana, hindi ka magbago sa akin," seryoso niyang sabi. "Syempre! Kapag sinagot mo na ako, ipapakilala na kita sa parents ko pati sa mga pinsan ko..." Napangiti na talaga siya. Kaunti na lang, ramdam 'kong mahuhulog ka na rin sa akin. 'Wag 'kang mag-alala Blake, malinis ang intensyon ko. "Ano ba ang mga pangarap mo sa buhay, Luther?" Seryoso niyang tanong. "Honestly, love life na lang ang kulang sa buhay ko. Feeling ko, ikaw na ang kukumpleto sa akin," seryoso 'kong sabi. Napangiti na talaga siya... "Ikaw naman, ano ba ang pangarap mo sa buhay?" Tanong ko. "Gusto 'kong magtrabaho sa Australia bilang nurse..." "Ok, edi susuportahan kita. Kung gusto mo, sa Australia na rin ako magtatrabaho para lagi tayong magkasama hahahahah." "Ang lakas ng fighting spirit mo hahahaah. Honestly, nagugustuhan na kita pero alam mo naman na gusto ko rin si Yani, diba?" 'Yan na naman, nasali na naman sa usapan si manyak. "Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa kanya?" Tanong ko. "Hmmm... I can see him on the inside. Alam ko kung gaano siya kabuti kahit hindi 'yun ang nakikita ng ibang tao sa kanya." Grabe... Ang lalim naman. Mukha ngang kilalang-kilala niya ang pagkatao ng manyakis na 'yun. "Alam mo, Luther... Malakas ang pakiramdam ko na may gusto talaga sa'yo si Yani." Nagulat tuloy ako... Yuck! Hahahah kadiri naman! "Blake naman, alam mo naman na hindi ko siya magugustuhan haahah." "I'm serious, Luther. Kilala ko si Yani. Never siyang naging interested ng ganyan bukod kay Dwayne." I sigh... "Kahit pa gusto niya ako, wala akong pakealam. Hindi ko magugustuhan ang kamanyakan niya," natatawa 'kong sabi. "Hindi mo masasabi 'yan... You don't know him that much. Mabuting tao siya, trust me. Baka mamaya, kapag nakilala mo na siya, mahulog din ang loob mo sa kanya." Natahimik na lang ako. Anong klaseng tao ba si Yani? He is so mysterious and I don't know! Hindi ko alam kung bakit nagustuhan siya ni Blake. Wala akong idea kung bakit ako ang trip niya. Siguro nga, trip niya lang talaga ako at bored lang siya sa buhay. Wala naman siyang makukuha sa akin diba? I'm just a formal hot doctor. Ano naman ang mapapala niya sa akin? You're making me interested about your true personality, Mr. Pervert...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD