Nandito na kami sa bahay, si hubby hindi ko alam kung saan s'ya pupunta kasi. Pagkahatid n'ya sa'kin, umalis na ito kaya ito naglilibang ako dito sa kuwarto ni boss habang hinihintay s'ya at oo nga pala pinalipat na rin ako ni boss nang kwarto dito na lang raw ako sa kuwarto n'ya. Nagugutom na naman ako nakalimutan ko na kumain, kaya bumaba na ako. Magluluto na lang ako dahil namiss ko magluto, pagbaba ko napatingin ako sa lamesa at nakita ko si Mr Cute na lantak kung kumain bakit nandito s'ya wala naman ang ibang kaibigan n'ya at si boss ah. "Jaril, bakit nandito ka?" "Nagugutom kasi ako kaya nandito ako. Tara kain tayo!" "Nag-aya ka pa, kung kaylan busog ka na!" "Hindi pa ako busog miss, magpaluto ka pa nga gutom pa kasi ako..." "Ano? Sa lagay na 'ya gutom ka pa? My god! Halos y

