Maaga akong nagising si baby boy, sala na sa tabi ko. Kaya bigla akong kinabahan, nasaan na 'yon? Agad akong bumangon at lumabas ako pero parang walang tao. Nasaan na sila? Hinanap ko ito sa kuwarto Kerswel at mi tita pero wala silang lahat. Lumabas ako ng bahay pero wala talaga sila, iniwan na ba nila ako? Isa na lang hindi ko napupuntahan sa garden, ang aga yata nilang umalis Pagdating ko ng garden agad kong nakita si baby boy, nakangiti s'ya sa'kin habang papalapit ano'ng meron sa kaniya? "Mommy good morning! Flowers for you, I love you so much mom!" malambing na aniya sa'kin, nang makalapit s'ya inabot n'ya ang white rose, grabe parang gusto ko umiyak ang cute ng anak ko at ang sweet. "Thank you, ang sweet nang baby boy ko..." umupo ako at hinalikan s'ya. "You're welcome mom!"

