Present Time Nakabalik ako sa pag-iisip sa nakaraan ng may bigla na lamang akong narinig na nahulog. Nang tingnan ko ito ay walang iba kundi ang baby namin ni Chubs. “Luca naman,anong ba kasing ginagawa mo diyan,”sabi ko dito at dinampot na ito. Si Luca ay isang pusa na nakuha namin noon sa isang drenage ng minsang magjoyride kami ni Chubs noon. Hinalikan ko ito at niyakap ito,mahal na mahal ko ito,dahil palagi nitong pinapaalala sa akin na may pag-asa pang bumalik sa akin ang Mommy niya. Ang akala siguro ni Chubs ay pinabayaan na kita,dahil wala naman talaga akong hilig noon sa mga ganitong hayop na maraming balahibo. Pero simula ng makilala ko ang babaeng nagparamdam sa akin at nagpapaalala na lahat ng bagay na nabubuhay dito sa mundo ay may halaga. “Sana ay bumalik na sa atin an

